Horoscope | Pebrero 12, 2021 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 12, 2021
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 12, 2021 (Biyernes): Huwag mong patulan ang mga mababa. Ikaw ay para sa mataas na kalagayan, kaya sa itaas ka makipagbungguan. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mo ang magmalaki kahit totoong nakahihigit ka sa karamihan dahil sila ay mga kapos sa kaalaman at ideya sa kung paano pauunlarin ang kanilang buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-13-29-31-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Itaas mo pa ang iyong pangarap. Mabigo ka man, sa mataas pa rin ang iyong magiging bagsak. Bihira ang gumagawa nu’n, pero ito ang susi ng mga nagtagumpay na. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-21-28-34-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Tatalunin mo ang iyong mga karibal sa pamamagitan ng mabilis na pagsasagawa ng mga naiplano mo na. Maiiwanan mo sila nang milya-milya at hindi na sila makakahabol pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-19-22-24-27.
CANCER (June 21-July 22) - Kahit medyo pagod at hirap ka na, ipagpatuloy mo ang pagsisikap. Madalas, ang tagumpay ay natatabingan lang ng mga anino ng pag-aalinlangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-25-26-33-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bakit ka susuko sa harap ng mapagpilit? Maaaring hindi mo alam na kaya siya nagpipilit ay dahil alam niyang malabo niyang makuha ang kanyang pinakahahangad-hangad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-14-19-20-22-26.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iaangat ka ngayon ng iyong talino sa mas mataas pang kalagayan. Maaaninuhan mo ang mga nag-aakalang mas magaling sila kaysa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-12-26-33-36-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Masaya ka, lalo na ngayon dahil halos walang kahirap-hirap mong nakukuha ang iyong mga gusto. Ibinabalita ng iyong kapalaran na mas sasaya ka sa ilang araw na darating. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-18-21-27-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ang iyong kailangan. Minsan, inaakala ng tao na siya ay malakas, pero ang totoo, anumang sandali ay puwede siyang dapuan ng karamdaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-23-26-33-36-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung hindi ka magpapagamit sa iba, ikaw ay makikitang mabilis na umaasenso. Maaaring hindi mo namamalayan na ang galit at husay mo ay sinasamantala ng iyong kapwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-23-25-38-40-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong sayangin ang iyong mga oras sa pag-iisip ng mga negatibong bagay. Ang mas maganda ay makinig ka sa masasayang musika. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-19-23-28-30-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Paramihin mo ang nasa iyo na. Ang unang utos na magpakarami kayo ay hindi lang sa pagpaparami ng lahi kundi sa pagpaparami rin ng mga kabuhayan at ari-arian. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-21-24-28-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magplano ka bago ang takdang araw ng mga puso. Minsan, nababawasan ang saya at sarap kapag walang masinop na plano sa pagpunta sa malalayong lugar. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-17-22-27-39-41.




Comments