top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Oktubre 8, 2022 (Sabado)

BULGAR
Oct 8, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 8, 2022


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 8, 2022 (Sabado): Biglaan ang pagdating ng mga suwerte mo, kaya walang magagawa ang mga kontrabida sa buhay mo kundi ang mamangha at matulala.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung sino ang katabi mo, siya mismo ang iyong suwerte. Lihim mo siyang pasayahin dahil sa mga pagkakataong siya ay masaya, lalo kang bubuwenasin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-17-22-25-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tumatahol ang aso kapag may banta sa kanyang amo. Makinig ka sa payo ng ilang malalapit sa buhay mo, higit ka nilang kilala kaysa sa pagkakakilala mo sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-21-24-25-36-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mo papansinin ang nagpapapansin sa iyo, kaya makakalagpas ang magandang oportunidad sa buhay mo. Bawasan mo ang paglilibang sa walang kuwentang aktibidad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-9-12-26-30-32.

CANCER (June 21-July 22) - Makibahagi ka sa pagsasaya ng grupo. Kakaibang saya ang madarama mo kaysa nagsasaya ka mag-isa. Malalaman mo na totoo na ang mas marami ay mas masaya. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-14-16-27-32-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Masarap ang pakiramdam kapag maluwag ang suot na damit. Huwag mong dagdagan ang iyong mga obligasyon nang sa gayun ay makatikim ka ng kakaibang ginhawa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-6-17-20-26-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang hihinto kahit sa biglang tingin ay hindi gaanong umuusad ang buhay mo. Nakamasid ang langit at kumukuha lang ng buwelo para mapasaiyo ang malaking suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-19-29-31-38-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit magkapatid ay nagkakagalit. Minsan, hindi sinasadyang nakakagat mo ang iyong dila. Ang mga ito ay tinatawag na pantanggal ng pagkabagot at pagkatapos ay sisigla ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-18-24-27-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na inuutusan ka ng langit na magpatawad. Sa pagpapatawad, parang sibat ng matinding liwanag na humawi sa madilim na gubat, bigla kang magkakaroon ng mga suwerte na may kaugnayan sa salapi at pag-ibig. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-25-26-37-39-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka nang kumilos dahil sa pagkilos, bumubukas ang pintuan ng mga oportunidad. Nagsasara ito kapag hindi ka na kumikilos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-14-23-37-40-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inaalagaan ang mga bata. Inaalagaan din ang kasisimula pa lang na pinagkakakitaan. Hindi dapat lumabis ang iyong kumpiyansa kahit maganda ang takbo ng negosyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-21-26-27-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka dapat masiraan ng loob nang dahil sa minsang kabiguan. Bagkus, dapat maging matapang ka dahil ang mga kabiguan ay paghamon sa iyong kakayahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-23-26-39-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Umiwas ka lang. Huwag mong harapin nang mukhaan ang nang-aaway sa iyo. Sa pag-iwas, madidiskaril ang kanilang mga plano at sa huli, ikaw ang mananalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-22-23-37-38-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page