top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Oktubre 6, 2022 (Huwebes)

BULGAR
Oct 6, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 6, 2022


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 6, 2022 (Huwebes): Pagagandahin ng iyong kapalaran ang buhay mo kahit pa magkamali ka. Gayundin, kahit magkamali ka ng daan, muling itutuwid ng nasa itaas ang iyong landas. Ito ay ginagaratiyahan ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngiti lang ang katapat ng katuparan ng iyong mga pangarap. Kaya anuman ang hirap na iyong pinagdaraanan, ngumiti ka pa rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-23-28-30-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagbigyan mo na ang panlalamang ng iyong kaibigan. Hindi naman kabawasan sa iyo ang kanyang gustong makuha. Paminsan-minsan, ang kaibigan ay nakakagawa ng hindi tama. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-25-28-30-32-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Tumbasan mo ng kabutihan ang ipinakita ng isang bago mong kakilala. Sa ganitong paraan, titibay ang inyong pagsasama at kapwa kayo magtutulungan sa mahabang mga araw na darating. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-22-28-30-33-34.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong ikagulat kung bigla kang pakikitaan ng maganda ng iyong kaaway. Siya ay lihim na nakatanggap ng utos na kailangang magkaayos kayo para gumanda ang inyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-26-29-30-34-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magagandang ideya ang maglalabas-pasok sa isip mo. Anuman ang mapili mo, gawin mo agad nang sa gayun ay lalo pang mapabilis ang iyong pag-unlad. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-15-16-20-21-25-27.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magsuot ka ng maganda at hahangaan ka. Mas bago o uso, mas maganda. Ito ang magsisilbing susi upang mabuksan sa harapan mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-28-29-30-31.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hamunin mo na ang iyong pinakamahigpit na kaaway ngayon. Wala siyang panalo sa iyo dahil ang kapalaran mo ay nasa todong lakas at sisira sa mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-20-23-26-36-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo lang ang kailangan mo. Sa ganitong paraan, hahangaan ka ng tumutulong sa iyo. Tuwing lalapit ka, hindi siya makakatanggi dahil sa nabuong paghanga niya sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-19-22-29-31-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malakas ngayon ang pangkumbinsi mo. Kahit na ang matigas na damdamin ng isang tao, siya ay mapapasunod mo. Gamitin mo para sa kabutihan ng lahat ang kakayahan mong ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-23-25-27-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong higpitan ang iyong sarili. Nakakasama sa tao kung pati ang sarili ay pinagdadamutan ng kasiyahan. Samantala, ang taong nagsasaya ay gumagaan ang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-9-11-16-29-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ka ngayon dahil alam mong magaling ka lang sa una at pagkatapos ay parang sawa ka na. Ang pag-amin mo ay nagsasabing, malaki na ang magiging pagbabago mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-22-27-28-38-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Senyales ba ang hinihintay mo mula sa langit para simulan ang matagal mo nang balak na negosyo? Makakakita ka ng tulad ng nasa isip mong negosyo na mabenta at ito na ang senyales mula sa langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-21-25-26-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page