Horoscope | Oktubre 5, 2020 (Lunes)
- BULGAR

- Oct 5, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 5, 2020
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 5, 2020 (Lunes): Taglay mo ang kakayahang paramihin ang anumang hawak mo. Gamitin mo ito sa negosyo nang sa gayun ay yumaman ka at hindi mapag-iwanan ng iyong mga kasabayan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magmadali, mag-ipon ka muna ng sapat na kaalaman bago mo simulan ang isang aktibidad na iniisip mong magpapaunlad ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang tamang pagkakataon para kumita ng mas marami kaysa sa pangkaraniwang kinikita mo. Lakasan mo ang iyong loob nang sa gayun ay mapuno ng galak ang puso mo. Masuwerteng kulay-green.
GEMINI (May 21-June 20) - Kakaibang sigla ang iyong madarama na ang ibig sabihin, nasasagap mo ang nagdaratingang magagandang kapalaran na para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.
CANCER (June 21-July 22) - Hadlang sa negosyo ang maging emosyunal. Sa negosyo, ang pinag-uusapan ay bilang ng kikitain at hindi ang bilang ng kaaawaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pigilan mo ang iyong sarili na matuwa dahil minsan, nang ikaw ay natuwa, ang iyong kinatuwaan ay pinasaya mo nang husto at masyadong malaki ang nabawas sa laman ng bulsa mo. Masuwerteng kulay-pink.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kamay ang maghahari sa iyo, hindi isip o puso. Ibig sabihin, magiging galante ka nang hindi umaayon ang isip at puso mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabilis kang magtitiwala ngayon. Kapag napansin mong nangyayari na ito, dapat ay makabalik ka sa dati mong sarili na maingat at mapag-obserba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumonsulta ka muna sa may nalalmaan at huwag kang susugod na ang dala mo lang ay ang sarili mong karanasan. Ang mga kaalaman ng kapwa ay madalas na nakapagliligtas. Masuwerteng kulay-black.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pabayaan ang pinanggagalingan ng karagdagang kita mo. Ito ay mahalaga dahil isa ito sa malakas na inspirasyon mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong tanggapin ang hindi mo naman kailangan. Sa ganitong paraan, ikaw ay hahangaan. Ito rin ay nagsasabing tataas ang pagtingin sa iyo ng mga tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang manatili nang matagal sa pagkakaupo o pagkakatayo. Paggalaw ang kailangan mo nang magising muli ang matagal nang nahihimbing na sa mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-red.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tumaya ka at mananalo ka. Ang buhay sa mundo ay pakikipagsapalaran kung saan ang walang itinaya ay walang aasahang panalo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-brown.




Comments