Horoscope | Hulyo 11, 2026 (Sabado)
- BULGAR

- 44 minutes ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 11, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 11, 2026 (Sabado): Ngayon ipagkakaloob ng langit ang lahat ng pinapangarap mo. Kaya wala kang dapat gawin kundi humiling nang humiling.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Aalalayan ka ng langit hindi dahil mahina ka, kundi upang tuluy-tuloy na umunlad ang buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-20-24-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka kumikita, ru’n ka. Kaya mali ang binabalak mo na sumubok ng iba. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-19-28-32-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi masama kung hihingi ka ng payo. Ang masama ay ang pagkukunwaring marami kang nalalaman. Magtanung-tanong ka sa mga marurunong. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-9-12-22-26-31-36.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat masaktan kung sakaling hindi mo makuha ang gusto mo. Bagkus, magsaya ka, dahil isa itong malinaw na senyales na mapapasaiyo na ang malalaki at mas magaganda. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-13-21-27-39-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Oo, mas mataas ang personalidad mo kaysa sa iba, pero higit na mas maganda kung iisipin mong pantay-pantay lang ang lahat ng nilalang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-20-28-37-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabagal ang sobrang maingat. Hindi ka dapat maging sobrang maingat. Gayunman, bawasan mo rin ang sobrang pagiging negatibo, dahil sa ngayon, ito ang sikreto ng iyong pagyaman. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-16-29-35-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kalma lang! Ang taong kalmado ay hindi basta-basta nabibigo, pero ang bara-bara ay kusang nagkakamali ng desisyon at napapahamak. Muli, kalma lang! Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-18-14-26-34-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tinuturuan ka ngayon ng iyong kapalaran kung paano ka mas lalong uunlad. Tanggapin mo ang ilang hindi masasayang kaganapan na labag sa iyong kalooban. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-16-20-22-25-27.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malaki ang pagbabago ng buhay mo, lalo na sa larangan ng hanapbuhay, dahil ayaw ng langit na maiwanan ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-15-25-28-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aalisin ng langit ang mga bagay na ‘di mo gusto, habang ang mga nagugustuhan mo naman ngayon ay ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-black and white. Tips sa lotto-6-17-19-21-23-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magugulat ang iyong kaaway dahil bigla ka na lamang aayaw sa laban. Kapag malamig na ang kapaligiran, saka ka bumalik upang ikaw ay magtagumpay. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-11-18-22-29-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang nasa ibaba, siya ang magdadala sa iyo sa itaas. Kung sino naman ang nasa itaas, siya ang magpapabagsak sa iyo. Ito ngayon ang hiwaga ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-24-26-32-36.



Comments