Horoscope | Oktubre 4, 2020 (Linggo)
- BULGAR

- Oct 4, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 4, 2020
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 4, 2020 (Linggo): Isulong mo ang sarili mong kapakanan. Unahin mo ang pagpapayaman. Magagawa mo ito dahil ito ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, magtatangka ang ilan na iligaw ka sa paraan na ikaw ay magagalit at ang tututukan mo ay ang iyong kinagagalitan sa halip na ang pagpapaunlad sa iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-brown.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tiwala lang sa sarili ang iyong kailangan. Ang hindi mo kailangan ay ang maging negatibo. Kapag tinatalo ka ng mga problema, isipin mo na lilipas din ang mga ito. Masuwerteng kulay-white.
GEMINI (May 21-June 20) - Masisingitan ka muli ng mga walang magawa kundi sirain ang mga araw mo. Kapag napansin mong laging ganu’n ang pangyayari, layuan mo agad at ikaw ay umiwas. Masuwerteng kulay-green.
CANCER (June 21-July 22) - Maglalabasan ang mga taong matagal nang hindi sinuwerte dahil maghahanap sila ng karamay. Kapag nakita mong isa sa ang kakilala mo na tadtad ng problema, huwag mo itong kausapin kahit ilang sandali. Masuwerteng kulay-yellow.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pasayahin mo ang iyong sarili. Maaaring hindi mo alam at hindi mo pansin na umaangal na ang sarili mo dahil ang iba ay pinasasaya mo, pero nakalilimutan mo ang iyong sariling kasiyahan. Masuwerteng kulay-purple.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makikitang nag-iisip ka ng kontra sa pangarap mo, kaya hadlangan mo ang iyong sarili. Kung akala mo ay at hindi mo magagawa ang iyong pinangarap, simple lang, mangarap ka ulit. Masuwerteng kulay-pink.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong hayaan na makaporma ang mga naiinggit sa iyo, sa halip, lalo mo silang inggitin. Kaya kahit may ilang problema ka, dapat makita nila na ikaw ay masayang-masaya. Masuwerteng kulay-beige.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bibigyan ka ngayon ng kaluwagan ng langit, hindi lang sa materyal na mga bagay kundi maging sa damdamin. Ibig sabihin, luluwag ang iyong kalooban at gagaan ang iyong pakiramdam. Masuwerteng kulay-blue.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit may mga pagkakamali at pagkukulang ka, gaganda pa rin ang iyong kalagayan. Ang titingnan ng langit ay dalisay at wagas mong hangarin sa buhay. Masuwerteng kulay-black.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Akala ng mga kontrabida sa buhay mo, talo ka na. Ang hindi nila alam, sila ang talo dahil hindi sila ang papanigan ng langit kundi ikaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masuwerte ka. Sino naman ang malas? Sino pa nga ba, kundi ang mga lantad at lihim mong kaaway. Aalisin ng langit ang ilang suwerte nila at ililipat sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinay-hinay lang. Bawat ikikilos mo, pag-aralan mo munang mabuti. Isang simpleng susi ito ng tagumpay na mas madalas ay nakalilimutan ng mga nagmamadaling umasenso. Masuwerteng kulay-red.




Comments