Horoscope | Oktubre 30, 2020 (Biyernes)
- BULGAR

- Oct 30, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 30, 2020
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 30, 2020 (Biyernes): Hahawak ka ng mga tauhan dahil ikaw ay isinilang para mamuno at mamahala. Huwag mong kalimutan ang pagmamahal at pagmamalasakit mo sa mga nasa ibaba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo kahit hindi tiyak ang kahihinatnan ng mga plano mo. Huwag kang mabahala dahil mismong langit ang hahawak sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-20-29-30-49.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maging masunurin ka. Hindi ngayon ang panahon ng pagsalungat sa mga nakatataas. Mas magandang ang mga kilos ay nagkakaisa at nagkakasama-sama. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-16-27-30-41-52.
GEMINI (May 21-June 20) - Makilahok ka sa mga talakayan kung paano mas mapagaganda ang takbo ng negosyo. Sa iyo manggagaling ang magagandang ideya kaya mahalagang makibahagi ka ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-19-26-33-38-50.
CANCER (June 21-July 22) - Igigiit mo ang iyong kagustuhan. Ngayon ang tamang panahon para makita ng marami ang natatagong galing at husay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-26-29-31-38-46-48.
LEO (July 23-Aug. 22) - Papalarin ang makikinig sa iyo dahil ang mga salita mo ay naglalaman ng mga hiyas ng magagandang kapalaran. Ikaw naman ay bubuwenasin din dahil matutuwa sa iyo ang langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-25-35-39-53.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Papataas ang kalagayan ng buhay mo. Huwag kang magbabago at huwag mo ring papalitan ang iyong mga plano. Gayundin, ang pag-iiba ng negosyo ay hindi mo dapat gawin ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-20-35-39-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tanggap lang nang tanggap sa mga ibibigay sa iyo. Huwag kang magpakita ng hindi maganda kapag hindi mo gusto. Mapagbiro ang kapalaran, kaya may suwerte ka pala sa mga bagay na ayaw mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-29-33-36-44-54.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pansamantala lang ang nadarama mong lungkot dahil mawawala rin ito at mapapalitan ng mahabang mga araw ng kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-27-28-38-41-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Suwerte ka ngayon. Kahit wala kang gawing anuman, ang magagandang kapalaran ay darating sa iyong harapan dahil noon pa man, ito ang nakatakda at tiyak na mangyayari. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-22-28-30-49-56.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Panoorin mo lang ang hindi magandang ginagawa ng isang ligaw ang paniniwala. Sa huli, masasaksihan mo na hindi nagtatagumpay ang gawang masama laban sa mabuti. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-29-36-38-40-50-51.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Laban kung laban. Ngayong napapalaban ka, huwag kang aatras. Ang mga hamon ng iyong kapalaran ay iyong tatalunin dahil sapat ang iyong talino. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-17-21-25-37-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magdagdag ka ng kaalaman at magtanong ka sa mga may alam. Huwag kang susugod na ang dala mo lang ay lakas ng kalooban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-22-26-37-55.




Comments