Horoscope | Oktubre 3, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 3, 2022
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 3, 2022 (Lunes): Mapalad ka dahil mas aangat ka kaysa sa mga pangkaraniwan. Marami ang aasa sa iyo, gayunman, isabuhay mo ang pagpapakumbaba. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pasilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magmadali ka nang makarami ka. Ito ay dahil ang magagandang oportunidad ay lalagay sa iyong harapan ngayon. Kung mabagal ka, hindi gaanong marami ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-14-23-28-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isasama ka sa kaunlaran ng isang biglang naging bahagi ng iyong buhay. Masasabing ito na ang regalo sa iyo ng langit dahil ikaw ay natagpuang may dalisay na pagkatao. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-18-25-32-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakakahawa ang galing mo. Bilang pasasalamat dahil ginawa kang inspirasyon, may magagandang bagay na inihahanda ang langit ngayon – isang napakalaking suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-1-19-21-27-36-42.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pagdudahan ang magagandang bagay na ginagawa sa iyo. Natural lang na mabigla ka dahil hindi mo aakalain na espesyal ka sa mga mata ng iyong bagong kakilala. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-29-30-31-37-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang magpapasaya sa iyo, gawin mo. Tapos na ang panahon na ikaw ang palaging nagpapasaya sa kapwa mo dahil sa iyong pagsasakripisyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-22-25-27-35-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte. May iba na kakatok pa sa pintuan ng bahay mo dahil nakita ng langit na kailangang mapasakamay mo ang mahahalagang suwerte na kaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-14-26-29-30-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakasawa rin pala ang masarap na buhay. Hindi ka masisisi kung gugustuhin mong mahirapan. Tama lang ang ganito para mawala ang pagkabagot mo sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-24-25-36-37-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kaya mong gawin nang mag-isa ang iyong mga plano. Kung tatanggihan mo ang mga tulong, gandahan mo ang pagsasalita dahil sa ibang araw, maaaring sila ay iyong kailanganin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-18-29-31-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hayaan mo lang ang mga kontrabida sa buhay mo. Ang totoo, gusto nilang mapunta sa iyong kalagayan, kaya lang, hindi naman talaga sila karapat-dapat. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-29-30-32-39-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mapasasaiyo ang hindi mo pinaghirapan. Ang naghirap ay walang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na hindi lahat ay nakukuha kahit pa siya ay maghirap. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-3-11-17-20-24-26.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gaganda pa ang takbo ng mga pangyayari dahil kahit nakakaranas ka ng pansamantalang kabiguan sa pangkahalatan ay kitang-kita pa rin na ikaw ay makikinabang. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-15-20-21-22-28-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi masama ang umatras, bagkus, ang masama ay ang sumugod at aani lang ng kabiguan. Sa pag-atras mo, pag-aaralan mong mabuti ang susunod na mga hakbang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-10-17-28-30-40.




Comments