Horoscope | Oktubre 29, 2020 (Huwebes)
- BULGAR

- Oct 29, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 29, 2020
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 29, 2020 (Huwebes): Maawain ka at minsan ay sobra kang maawain. Mag-ingat ka dahil marami ang mananamantala sa pagiging maawain mo. Ito ang mensahe para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ilapit mo ang sarili mo sa mababang tao dahil ito ay isa sa susi ng tagumpay na nagsasabing aangat ka ‘pag pinakitaan mo ng maganda ang mga mababa ang kalagayan sa buhay. Masuwerteng kulay-white. Masuwerteng numero-9-19-20-30-35-46.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga kumukontra sa iyo. Mag-aaksaya ka lang ng panahon kung papatulan mo ang mga ito. Sa halip, ang mga oras mo ay ilaan mo sa pagsisikap nang ikaw ay umasenso pa. Masuwerteng kulay-green. Masuwerteng numero-11-14-28-34-39-49.
GEMINI (May 21-June 20) - Ginagamit ng malakas ang mahina. Malakas ka kaya huwag kang magpapagamit. Ang mas maganda ay ikaw ang manggamit sa magtatangkang makinabang sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Masuwerteng numero-18-20-22-27-37-38.
CANCER (June 21-July 22) - Kumuha ka ng ideya sa makakakuwentuhan mong nagyayabang na marami siyang napagtagumpayan. Isabuhay mo ang maririnig mong magaganda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Masuwerteng numero-4-15-16-45-46-49.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kakaibang saya ang madarama mo sa pagtulong mo sa isang nangangailangan na biglang lumapit sa iyo. Isang senyales ito na ang langit mismo ang magbibigay sa iyo ng gantimpala. Masuwerteng kulay-pink. Masuwerteng numero-19-20-26-38-34-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kunin mo lang ang kailangan mo. Kapag nagawa mo ito, matutuwa ang langit at magugulat ka dahil pagkakalooban ka ng mga biyayang hindi mo sukat akalaing para pala sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Masuwerteng numero-7-10-15-16-29-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit madaya ka, hindi sasama ang loob mo dahil ang dadaya naman sa iyo ay malapit sa puso mo. Wala ka rin namang karapatan na magalit dahil siya rin ay minsang naisahan mo. Masuwerteng kulay-blue. Masuwerteng numero-18-24-25-34-38-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagliliwanag na ang maulap na lagay ng kapalaran mo. Samantalahin mo ito at gawin mo na ang mga bagay na hindi mo ginagawa dahil sa nag-alala ka na baka umani ka ng kabiguan. Masuwerteng kulay-black. Masuwerteng numero-22-26-29-30-31-48.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pakikisama ang tema ng araw na ito. Makisama ka at pakisamahan mo ang mga matagal nang hindi nakakasama sa mga munting pagsasaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Masuwerteng numero-13-17-21-26-38-47.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bukas ang damdamin mo sa mga mabababa. Bukas din ang palad mo sa mga nakakaawa. Sa ganitong paraan, humahanga sa iyo ang langit, kaya ikaw ay padadalhan ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-peach. Masuwerteng numero-9-10-25-39-40-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malilito ka dahil ang dapat na isa, sa iyo ay dalawa. Ibig sabihin, sa puso mo ay may higit sa isang nakaukit. Huwag kang mabahala dahil isa lang din naman ang magtatagal. Masuwerteng kulay-red. Masuwerteng numero-8-10-25-27-39-49.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagdaratingan na ang mga suwerte na gusto mong mapasaiyo. Gayunman, una-unahan lang dahil kung magkakasabay-sabay ang mga ito, makikitang mas marami ang iyong ipamimigay. Masuwerteng kulay-brown. Masuwerteng numero-7-15-26-30-36-43.




Comments