Horoscope | Oktubre 28, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 28, 2022
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 28, 2022 (Huwebes): Mapalad ka dahil bukod sa sarili mong suwerte, ang buwenas ng ibang tao ay napupunta pa sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pasasayahin ka ng langit. Muling ibabalik ang mga araw na sabay-sabay na nagdadatingan ang mga suwerte mo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-22-27-31-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang wala sa iyo, ‘yun ang kailangan mo. Kaya nagpasya ang langit na maging bahagi ng buhay mo ang may mga katangian na wala sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-24-27-30-37-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang malibang sa tinatamasa mong magagandang kapalaran. Hindi tama na hindi ka na mangangarap dahil masarap na ang iyong buhay ngayon. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-27-28-39-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Napakaganda ng tanawin sa tabing-dagat, pero higit itong gumaganda kapag umiihip ang hangin. Padadalhan ka ng langit ng isang tao na masayahin na magpapaganda pa sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-23-26-35-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo, kaya huwag mo nang lagyan pa ng dekorasyon ang iyong sasabihin. Mas simple at direkta, mas mainam. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-16-21-29-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tapusin mo ang dapat tapusin. Huwag kang masanay na may natitira ka pang trabaho. Mas bibigat ang bawat araw sa maiipong mga gawain. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-22-25-27-35-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka bagay sa mahihirap na gawain. Bagama’t puwede ka ring mahirapan, panandalian lang dahil aalisin ka ng kapalaran sa naturang sitwasyon kapag nakitang ikaw ay nahihirapan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-14-25-24-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ang kailangan mo, kaya ang langit mismo ay gumawa ng paraan para gumaan ang pasan mong obligasyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-26-28-30-35-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na nakamasid sa iyo ang langit at anumang sandali ay ihuhulog ang malalaking grasya para sa iyo kapag ikaw ay nakitang mapagpakumbaba. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-17-20-21-27.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatapat sa iyo ang pintuan ng mga biyaya sa langit. Pagpapalain at bibigyan ka ng mga bagay na labis mong ikatutuwa dahil sa kabaitang ipinakita mo sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-21-25-28-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malawak ang mundo mo, kung saan maraming oportunidad. Huwag kang maniwala sa nagsasabi sa iyo na hindi mo kaya ang mag-isa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-17-20-24-27-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang balita ng iyong kapalaran dahil ibang tao ang kikilos para mapalapit ka sa malaking pangarap mo. Dahil dito, puwede mo nang ituloy ang iyong pagsasaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lottto-12-23-29-30-31-38.




Comments