Horoscope | Oktubre 27, 2020 (Martes)
- BULGAR

- Oct 27, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 27, 2020
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 27, 2020 (Martes): Mula sa maliit na pagkakakitaan, ikaw ay magkakaroon ng malalaking negosyo. Pagbutihin mo ito dahil sa ganitong paraan, marami kang matutulungan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Suwerte ka ngayon. Mas malaking kahilingan sa langit ang mas maganda para sa iyo. Ang maliit, simple at hindi kumplikadong bagay ay hindi tugma sa mga ambisyon mo sa buhay. Masuwerteng kulay-red.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag ka nang mag-alinlangan pa, tapang at lakas ng loob ang susi mo sa pagpapayaman. Kaya maging matapang at magkaroon ka ng lakas ng kalooban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mo maaawat ang sarili mo na sugurin ang pangarap mo kahit may kaunti kang kaba. Ang totoo, ito ang dapat mong isabuhay na pikit-matang kunin ang anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-white.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi mangyayari ang iyong kagustuhan, kaya wala kang dapat ikabahala. Sa halip, dapat kang matuwa dahil kung ano ang maganda sa iyo para sa paningin ng langit, ‘yun ang magaganap. Masuwerteng kulay-green.
LEO (July 23-Aug. 22) - Aayon sa nasa isip mo ang mga pangyayari, kaya mas magandang kapag may naiisip ka, gawin mo agad at huwag ka nang mag-alinlangan pa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang maduwag dahil hindi ngayon ang panahon ngayon ng panghihina ng loob. Ngayon ang panahon ng pagkilos para sa pagpapaganda ng iyong kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling nagbalik ang mga araw na ikaw ay mapalad at ito ay magsisimula ngayon kung saan ang mga suwerte mo ay hindi sinasadyang magmumula sa mga lantad at may lihim na inggit sa ganda mo. Masuwerteng kulay-pink.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magtiwala ka sa iyong sarili. Ito ang tunay na susi ng tagumpay. Hindi puwedeng sumulong ang buhay nang walang tiwala sa sarili, kaya muli, magtiwala ka sa iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kayang-kaya mo ang mga hadlang at sagabal na nasa landas ng iyong buhay ngayon. Sapat ang mga karanasan at kaalaman mo para ito ay iyong malagpasan. Masuwerteng kulay-blue.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang aatras sa laban ng iyong buhay na kinakaharap mo ngayon dahil mas malalaki at mabibigat ang iyong tinalo noon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Aakalain mong hindi maganda para sa iyo ang araw na ito, pero sa huli, maiisip mo na ikaw pala ang higit na nakinabang pagkatapos mahawi ang usok. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ituloy mo lang ang gusto mong gawin. Huwag mong pansinin ang mga nangyayari sa iyong harapan dahil ang tuluy-tuloy na pagkilos ang tunay na susi sa pagganda ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach.




Comments