top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Oktubre 25, 2022 (Martes)

  • BULGAR
  • Oct 25, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 25, 2022


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 25, 2022 (Martes): Sa malayo magmumula ang mga suwerte mo, pero hindi ibig sabihin nito na wala kang suwerte sa malapit. Ang totoo, saanman nanggaling ang suwerte — sa malayo man o malapit — ang mga ito ay sunod-sunod na darating sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nahahadlangan ba ang kabiguan? Oo, kung mananatili kang lumalaban. Hindi puwedeng sabihin na ikaw ay nagbago na. Ito ang panatilihin mo sa iyong isip dahil ito rin ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-26-33-38-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung sino ang mahina, siya ang dapat mong tulungan. Mahina ka ngayon, kaya ikaw ang nangangailangan ng tulong. Ngunit ang ikinaganda nito, espesyal na tulong ang darating dahil sa langit mismo manggagaling ang tulong sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-17-20-21-26-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Hinahon ang nagdadala ng kapayapaan. Itinuturo rin nito ang mga nararapat na kilos. Huminahon ka nang sa gayun, ang mga pangyayari ay pumabor sa iyo. Ito ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-13-19-24-25-34.

CANCER (June 21-July 22) - Masuwerte ka. Dapat alam mo kung ano ang gagawin ng taong sinusuwerte. Kung alam mo, gawin mo na agad at huwag kang mag-alinlangan. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-23-25-34-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Sobrang malakas ngayon ang iyong karisma. Hawakan mo nang mabuti ang iyong sarili. Maging matibay ka at kung makakasira sa buhay mo, huwag mong pansinin ang sinumang magkakagusto sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-14-15-17-23-27.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masyadong malayo ang nararating ng isip mo. Awatin mo ang iyong sarili na mag-isip ng bagay na malayo sa reyalidad. Alam mo ito, kaya mas magandang bumalik ka sa kung ano ang totoo. Masuwerteng kulay- violet. Tips sa lotto-11-18-20-25-33-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayong malungkot ka, ihip ng sariwang hangin ang kailangan mo. Subukan mo at magugulat ka dahil ikaw ay biglang sasaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-17-21-24-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Simple lang naman ang pormula ng tagumpay. Gawin mo ang ginawa ng mga nagtagumpay na. Ang huwag mong gawin ay ang mag-eksperimento ng bagong ideya dahil may posibilidad na pumalpak ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-22-29-30-31-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masuwerte ngayon ang may inaalagaang hayop na pambahay. Pakitaan mo sila ng espeyal at makakaasa ka na ikaw ay bubuwenasin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-22-25-28-36-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang babalik sa nakaraan. Pagmasdan mo ang iyong sarili, gayundin ang mga kapwa mo, hindi ba’t kayo ay nakaharap sa kasalukuyan? Ibig sabihin, ikaw ay papasulong sa hinaharap. Masuwerteng kulay- white. Tips sa lotto-19-21-24-26-37-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang nakatulong sa iyo noon, siya muli ang tutulong sa iyo ngayon. Huwag ka nang lumapit sa mga alam mong nagtatago at hindi mo nalapitan noong nangailangan ka. Masuwerteng kulay- green. Tips sa lotto-2-11-17-29-35-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli kang susuwertehin, pero may kondisyon na nagsasabing, iwasan mong makasakit ng damdamin. Mas maganda kung magsalita ka nang mahinahon. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-19-20-21-26-32.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page