top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Oktubre 21, 2020 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 21, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 21, 2020



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 21, 2020 (Miyerkules): Hahawak ka ng iba’t ibang posisyon kung saan ikaw ang tagapagpasunod at tagapag-utos. Sa ganitong dahilan ka isinilang kaya pagbutihin mo ang pamumuno.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ilapit mo ang iyong sarili sa mga nasa ibaba. Sa ganitong paraan, mas pakikinabangan mo sila at gaganda ang takbo ng iyong pinagkakakitaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sundin mo ang nakatataas o ang mas may alam sa iyo. Sa ganitong paraan, marami kang matututunan at sa huli ay masasabi mong kayo ay magkapantay na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.

GEMINI (May 21-June 20) - Mag-isip ka muna bago kumilos. May babala na kapag nagpadalos-dalos ka, mas marami at malaki ang mawawala sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

CANCER (June 21-July 22) - Napakalaki ng tsansa na umunlad pa nang todo ang buhay mo. Ito ay mangyayari kapag laging malakas ang loob mo na makipagsapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black.

LEO (July 23-Aug. 22) - Manguna ka. Pangunahan mo ang pagpapakita ng pagiging agresibo sa pagpaparami ng suki o kliyente. Walang bagay na hindi mo kaya, ito ang ilagay mo sa isipan mo sa tuwi-tuwina. Masuwerteng kulay-violet.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Simulan mo na at huwag nang hihinto pa ang noon mo pa sinasabing pangarap mo. Sisikapin mo itong makamit dahil ngayon ang tamang panahon para sa hangarin mong ito. Masuwerteng kulay-peach.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin at layuan mo ang isang nagpapakita sa iyo ng interes. Mas lalo siyang gagawa ng paraan para magkalapit kayo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Papaganda ang negosyo mo at mas gaganda pa ito habang tinutukan mo. Kaya tumutok ka lang at ‘wag tutulad sa iba na kampante kapag okey na ang nakikita. Masuwerteng kulay-brown.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Suwerte ka ngayon. Wala ka mang gawin o may gawin kang pagkilos, hindi na ito mahalaga dahil noon pa man ay nagpasya ang langit na suwertehin ka sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag maganda ang sitwasyon sa buhay pag-ibig, ang magagandang kapalaran ay magdaratingan. Ano pa ang hinihintay mo, ayusin mo na ang dapat ayusin sa inyo ng mahal mo. Masuwerteng kulay-green.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Aangat ka, ibig sabihin, tataas ang ranggo mo. Hindi ka naman magugulat dahil noon pa man, pinagsisikapan at hinihintay mo na ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadalawin ka ng magagandang kapalaran kaya mawawala ang lungkot mo at pag-aalala na baka hindi ka na aasenso. Ang payo ay paramihin mo ang mga biyayang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page