top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Horoscope | Oktubre 20, 2020 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 20, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 20, 2020



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 20, 2020 (Martes): Malambot ang damdamin mo kaya marami ang mananamantala sa kabaitan mo. Gayunman, dahil din dito kaya binibiyayaan ka ng langit.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maging mapagmatyag ka. May ilang tao na ang gusto ay unahin mo ang kanilang kapakanan kaysa sa iyo. Mas magandang huwag ka munang humingi ng tulong at alalay sa iba.Masuwerteng kulay-purple.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sundin mo ang iyong damdamin kahit hindi pabor ang iyong isip. Ang kaligayahan ay nagmumula sa puso at hindi sa isip. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw naito.Masuwerteng kulay-pink.

GEMINI (May 21-June 20) - Masayang magbigay kaysa tumanggap. Ito ang makikita na iyong isinasabuhay. Sa ngayon,marami kang pinasasaya at pasasayahin pa. Ito ang mensahe para saiyo.Masuwerteng kulay-beige.

CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Gawin mo na ang gusto mong gawin at kahit may pagkaimposible, gagawa ng paraan ang langit para mapuno ng kagalakan ang puso mo.Masuwerteng kulay-blue.

LEO (July 23-Aug. 22) - Iiral ang iyong kabaitan pero ang sasabihin ng iba ay maling kabaitan dahil ang mga hindi naman karapat-dapat tulungan ay iyong pagbibigyan. Ito ang mensahe para saiyo.Masuwerteng kulay-black.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahina ka ngayon dahil makikitang nagiging mahiyain kang muli. Tinalo mo na ang pagiging mahiyain noon, kaya ngayon, ito ay dapat mo muling talunin.Ito ang mensahe para saiyo.Masuwerteng kulay-violet.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sa ilog ng iyong damdamin, hayaan mong lumutang ang iyong kabaitan. Kakilala o hindi kakilala, anuman ang pagkatao, tulungan mo.Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.Masuwerteng kulay-peach.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumarating ang alalay ng langit kapag ang suliranin ay hindi na kaya ng tao. Gawin mo ang makakaya mo at gagawin ng langit ang maganda para sa malaking problema mo.Masuwerteng kulay-red.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahalagahan mo ngayon ang pakikipagkapwa-tao. Mas minamahal ng langit ang mga nagmamalasakit at nagmamahal sa kanyang kapwa.Ito ang mensahe para saiyo.Masuwerteng kulay-brown.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibigay mo ang iyong makakaya para saiyong pangarap. Magtiwala ka na hindi ka pababayaan ng langit. Ang mga hadlang at balakid sa iyong landas ay aalisin mo para hindi ka mahirapan.Masuwerteng kulay-white.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahina ka ngayon pero huwag mong ipakita na mahina ka.Magkunwari kang malakas na ang ibig sabihin, huwag ka agad-agad na sasang-ayon sa gusto ng ibang tao. Masuwerteng kulay-green.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Darating ngayon ang mga suwerte sa nakaraan na iyong pinalagapas dahil abala ka sa mga walang kuwentang bagay. Anuman ang gawin mo at kahit nasaan ka, dadapo ito saiyo.Masuwerteng kulay-yellow.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page