top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Oktubre 2, 2022 (Linggo)

BULGAR
Oct 2, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 2, 2022


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 2, 2022 (Linggo): Hinahangaan ng langit ang iyong kabaitan at pagiging maawain. Dahil dito, walang katapusan ang mga biyayang ilalaan para sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mababa ang loob mo ngayon. Lumayo ka muna sa mga mapagkunwaring sila ay nakakaawa dahil sila rin ang maaaring mandaya sa iyo. Muli, bago mahuli ang lahat, lumayo ka sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-20-28-29-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bago mo mahalin ang iyong kapwa, mahalin mo muna ang iyong sarili nang sa gayun ay matupad mo ang utos na mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-8-11-16-20-24.


GEMINI (May 21-June 20) - Panoorin mo ang mga bata na malaya, masayang naglalaro at walang negatibong iniisip. Isabuhay mo ngayon ang buhay na hindi naaapektuhan ng negatibong kaisipan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-24-28-30-37-38.


CANCER (June 21-July 22) - Iyong-iyo ang araw na ito. Ibabalik ng langit ang araw na kaya mong gawin ang mga bagay na inakala mong hindi mo magagawa. Tunay ngang mamamangha ka, ganundin ang nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-26-28-34-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Tutulungan ka ng akala mo ay mahina. Aalalayan ka ng hindi mo akalaing kaya kang alalayan. Ito ay isang paraan ng pagtuturo ng kapalaran na huwag kang maging mapanghusga. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-28-39-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magdahan-dahan ka. Hindi ngayon ang panahon ng mabilis na pagpapasya at pagkilos. Pag-aralan mong mabuti ang mga bagay na gusto mong gawin nang hindi ka gaanong nahihirapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-20-21-31-38-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang ituloy ang balak mo kapag hindi maganda ang opinyon ng iyong makakausap na mas nakakaalam ng mga bagay-bagay kaysa sa iyo. Masasaktan ka lang kapag matigas ang ulo mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-28-35-38-40-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pabor na pabor ang langit sa mga plano mo. Ang kailangan na lang ay ituloy mo ito. Huwag kang mag-alinlangan kahit alam mong ikaw ay may mga kahinaan at naduduwag. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-17-22-24-37-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahina ka ngayon at ito ay alam mo. Alam din ng langit na ikaw ay mahina, kaya padadalhan ka ng malakas at ikaw ay susunod. Pansamantala lang siya sa iyong tabi, kaya iwasan mong mahulog ang loob mo sa kanya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-27-39-40-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw kung kailan bubuhos ang tulong ng iyong kapwa at maging ng langit. Wala ka nang katwiran para malungkot at mawalan ng pag-asa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-7-19-27-38-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mag-aalinlangan ka ngayon. Kakaiba ito sa nakaraang mga araw na sobrang kumpiyansa ka sa iyong sarili at malakas ang loob mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-15-17-23-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na mabibigo ang iyong mga lantad at lihim na kaaway. Sa araw na ito at sa mga parating pang araw, ang naghahangad na masaktan ka ay mapapahiya at aani ng sakit. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-16-23-33-38-40-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page