Horoscope | Oktubre 19, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 19, 2022
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 19, 2022 (Miyerkules): Napabibilang ka sa iilang likas na masuwerte. Dahil dito, marami ang naiinggit sa iyo. Kung hindi mo sila papatulan, lalo kang susuwertehin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Saya ang hatid sa iyo at sa mga tao ng pagdapo ng hindi nakikitang sinag mula sa langit. Ang ayaw umalis sa lungkot ay makakadama pa rin ng saya, habang ang may iniindang karamdaman ay dagling gagaling. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-27-30-33-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling magbabalik ang pilit na bumabalik. Sa pagkakataong ito, mas malakas siya at ikaw ay may kahinaan. Malaki ang posibilidad na muli kayong magkakaroon ng koneksyon, sa ayaw at sa gusto mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-27-28-34-37-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Sa panahong ito ay malilibang ka muli. Makakalimutan mo ang dapat gawin. Gayunman, ituloy mo lang ang paglilibang. Paminsan-minsan, sa totoo lang ay kailangang makalimutan ng tao ang trabaho. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-16-22-25-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Bubukas ang pintuan ng langit. Malawak na pagbukas ang mangyayari, kaya ikaw ay hindi puwedeng manatili sa lungkot. Ang mga bagay, gayundin ang mga tao na magpapasaya sa buhay mo ay darating na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-28-31-33-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Doble at magkakasunod ang dating ng mga suwerte. Ang iba ay ibahagi mo sa mga kapus-palad. Ito ang obligasyon mo upang lalo kang buwenasin. Muli, doble ang mga parating na suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-20-21-26-27.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Silipin mo ang mga pangyayaring sa biglang tingin ay mabigat at parang nagpapahirap sa kalooban mo. Makikita mo na may masayang liwanag sa mga ito at ang sayang ito ay maglalapitan sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-22-25-33-36-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipanatag mo ang iyong sarili. Ang nadarama mo na walang katiyakan ang hinaharap ay dahil sa mga pangit mong nakaraan. Tiwala sa kapalaran ang kailangan mo at ang lahat ay gaganda. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-25-26-33-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malaki ang magbabago sa ikot ng gulong ng iyong kapalaran. Bumibilis ito kaysa sa dati at upang hindi ka maiwan, isabuhay mo ang mga natutunan mo sa iyong mga karanasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-22-24-28-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pilitin na gawin ng mahihina ang hindi naman talaga nila kaya. Baguhin mo ang sistema, luwagan mo ang mga patakaran dahil sa ganitong paraan, kusang aayos ang lahat ng bagay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-19-25-27-30-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dadalawin ka ng malaking suwerte. Ihanda mo ang iyong sarili, gayundin ang paglalagyan ng buwenas mo. Kumbaga, itago mo dahil ito ay para sa iyo at hindi para sa ibang tao. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-10-18-21-23-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pasasayahin kang muli ng iyong kapalaran. Ang totoo, ikaw ay ipinanganak para suwertehin at magtamo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Tips sa lotto-9-17-28-30-31-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dinadagdagan ng langit ang kapos at ang wala ay nilalagyan. Gayunman, ang sobra ay binabawasan. Makikita ng mga mata mo kung paano tinanggal ng langit ang mga sobra at ito ay mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-16-24-25-37-40.




Comments