top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Oktubre 17, 2021 (Linggo)

BULGAR
Oct 17, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 17, 2021


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 17, 2021 (Linggo): Mapagbiro para sa iyo ang kapalaran dahil aakalain mong hindi ka mapalad, pero sa huli, ang malalaking suwerte ay para sa iyo pala.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa malalaki ang suwerte mo. Kaya mas malaking ambisyon, mas mabuti para sa iyo. Ang totoo nga, kapag maliliit lang ang parangap mo, maaaring hindi ka maniwala, pero mabibigo ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-20-24-29-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa malapit lang ang suwerte mo. Kahit hindi ka lumayo, gaganda pa rin ang iyong kapalaran. Puwede ka ring buwenasin sa malayo pero muli, ang suwerte mo ay nasa malapit lang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-23-28-34-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Susuwertehin ka kapag bumilis ang kilos mo. Nakakapag-alala dahil kadalasan, ang mabilis kumilos ay mabilis ding nagkakamali. Kaya lang, ang sabi ng iyong kapalaran, sa bilis ka bubuwenasin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-13-15-18-31-38.


CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang inaayawan mo, siya ang suwerte mo. Mahirap paniwalaan, pero ito ay magkakatotoo. Kaya sa huli, ang ayaw mo ay magugustuhan mo rin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-16-20-24-30-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka na may tiwala sa sarili at kapalaran. Hindi ka bibiguin ng langit, kung saan ang mga kagustuhan mo ay mapasasaiyo kahit dumaan ka sa mabibigat na pagsubok. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-11-14-24-28-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isip ang mabilis na magsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin nang sa gayun ay dumagsa sa buhay mo ang malalaking suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-24-28-41-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mahalaga kung luma o bago ang isusuot mo dahil ang importante sa lahat ay kitang-kita ang ganda mo. Ito ang sikreto ng kapalaran na aakit sa mga suwerteng nasa iyong paligid. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-18-22-29-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag maluwag ang puso mo, papasok sa iyong buhay ang magagandang kapalaran. Kaya anuman ang mga kaganapan, mas magandang tanggapin mo ito nang maluwag sa kalooban. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-13-19-28-38-46.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang mawawala sa iyo kung lalakasan mo ang iyong loob. Ang totoo nga, kapag malakas ang loob mo, tiyak na maaakit mo ang mga suwerteng ang hinahanap ay matatapang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-16-24-40-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kakatok sa puso ang mismong suwerte mo. Ibig sabihin, magpapakita ng kakaibang pagtingin ang isang bagong kakilala mo na nakahandang bigyan ka ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-17-22-23-31-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit may lihim na lungkot, umawit ka ng masayang musika. Kahit nag-aalinlangan ka, sundin mo ang payong ito dahil ito mismo ang nagsasabing sa ganitong paraan ka susuwertehin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-18-20-24-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag ka nang magtanong o mag-alinlangan. Kung saan ka dalhin ng iyong mga paa, roon mo makakaharap nang mukhaan ang iyong suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-21-27-34-36-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page