Horoscope | Oktubre 16, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 16, 2022
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 16, 2022 (Linggo): Kakaiba ang kapalaran mo dahil ang marami sa mga suwerte mo ay magmumula sa malalayong lugar. Ito ang sikreto ng masayang buhay mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong sayangin ang araw na ito kung kailan puwede mong pakinabangan ang iyong mayamang imahinasyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-21-24-27-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpapakita na ng lakas ang mga suwerte mong parang matagal nang nakatulog. Kaya huwag kang mabibigla sa magdaratingan na magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-22-28-30-32-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Magkakambal ang mga buwenas mo ngayon mula sa malalapit sa iyo at mula rin sa mga taong malayo ang loob mo. Ito ay nakatakda, kaya ang kaganapan ay tiyak na tiyak. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-3-19-28-36-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Masyadong mahina ngayon ang iyong damdamin, pero magkukunwari kang malakas na parang hindi ka matitinag. Ito ang katotohanan, kaya lang, maaring hindi mo aminin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-20-26-37-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ang araw na kapag sinuri mo ang mga pangyayari ay makakabuo ka ng bagong pormula kung paano ka magtatagumpay sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-25-26-36-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Binigyan ka ng Dakilang Manlilikha ng kakayahan sa pagtutuos. Puwede mo itong pakinabangan sa larangan ng pagkita ng pera. Hindi maganda na dating lang nang dating ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-3-14-25-31-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Anumang sandali, puwedeng magsimula ang bagong kabanata sa pakikipagrelasyon. Ito ay mas magiging maligaya kaysa sa mga nakaraang pakikipagrelasyon. Parang daloy sa batis, patuloy na umaagos ngunit bago ang tubig. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-15-26-30-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Taas-baba ang mga alon sa dagat, ito ang tunay na dahilan kaya mayaman ang karagatan. Taas-baba rin ang galaw ng iyong buhay na nagsasabing, ikaw ay yayaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-20-28-29-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nabuo ang dakilang pyramid sa Ehipto mula sa paisa-isang piraso ng mga bato. Ang magandang kinabukasan mo ay mabubuo rin sa pinagsama-samang pagsisikap mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-21-25-33-39-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbalik ang kakaibang bisa ng pagiging mahiyain mo. Maiintriga sa iyo ang ilan at ang sinumang sumubok na alamin ang iyong personalidad ay iyong mabibihag. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-25-27-30-31-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kasing bilis at lakas ng bugso ng hangin, ang mga lihim at lantad mong kaaway ay magsisibagsak. Ikaw ang magtatagumpay at hindi sila. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-23-25-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyong-iyo ang araw na ito, sapagkat nakatapat sa iyo ang pintuan ng grasya ng mapagpalang langit. Humiling ka at ikaw ay pagbibigyan, huwag mo nang lagyan ng dekorasyon ang iyong mga hiling. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-26-30-33-38-42.




Comments