top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Oktubre 15, 2022 (Sabado)

BULGAR
Oct 15, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 15, 2022


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 15, 2022 (Sabado): Ipanatag mo ang iyong kalooban kapag nahaharap ka sa mga hamon ng iyong kapalaran dahil mismong langit ang kikilos para sa iyong tagumpay at kagalingan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon na ang takdang araw para maisaayos mo ang iyong magandang kinabukasan. Hindi dapat masayang ang mga nasa harap mong magagandang oportunidad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-28-30-31-36-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang opinyon ng nakakarami, ‘yun din dapat ang sa iyo. Ang anumang pagsalungat ay nagbabalita ng lungkot at pag-iisa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-21-28-32-34-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Magpapatuloy ang magandang takbo ng negosyo. Huwag mong ipaubaya sa iba ang pamamahala. Ikaw lang ang may kakayahan na mapalago pa ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-19-23-27-37-41.

CANCER (June 21-July 22) - Marami ang papalit sa umalis. Ibig sabihin, puwede kang mamili kung ano at sino ang para sa iyo. Gawin mong batayan ang tanong na, “Uunlad ba ang buhay mo o hindi sa ipapalit mo sa mga umalis?” Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-25-26-29-32-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bago gumastos, isipin mo muna kung talaga bang kaya mo. Huwag mo nang ulitin ang nakaraan na wala kang pigil sa paggasta na para bang wala kang pakialam sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-19-24-25-36-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pakinggan mo ang payo ng malalapit sa iyo. Huwag mong isipin na dahil sa mga karanasan mo ay hindi ka na muling magkakamali. Ito ang paalala para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-17-22-21-33-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda sa paningin mo, ‘yun ang gustuhin mo. Dahil ang saya at ligaya, sa totoo lang ay mga mata ang magpapasya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-21-29-31-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magbawas ka ng mga kaibigan mo dahil ang ilan sa kanila ay pabigat lang naman sa buhay mo. Mamili ka lang ng mga puwedeng makatulong sa iyo na puwede mong asahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-30-32-37-39-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung sino ang masarap na makasama, siya ang piliin mo. Hindi puwede na mag-isa kang magdadala ng mga obligasyon at gawain ng bubuuing grupo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-18-28-30-34-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mas mahalaga ang bukas kaysa sa kasalukuyan, kaya ito ay pinaghahandaan at ang pagsasakripisyo ay para sa kasalukuyan. Ito ang gawin mong gabay sa buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-26-27-30-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga kinaiinisan mo. Hindi makabubuti para sa iyo na palagi silang kasama dahil hihina ang kalusugan mo. Gayundin, ang mga kilos mo ay mawawala sa tama. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-10-11-14-16-23-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sumangguni ka sa mas maalam kaysa sa iyo. Ito ang sikreto ng isang maunlad na pamumuhay at negosyo. Ang susi naman sa pagkalugi ay ang pag-aakalang alam na ang lahat ng mga bagay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-28-32-39-40-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page