Horoscope | Oktubre 13, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 13, 2022
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 13, 2022 (Huwebes): Malakas ka, kaya malalakas din ang nakakabangga mo, pero ang panalo ay nasa iyo kapag hindi ka bumitaw sa laban. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa desididong tao ang mga suwerte mo, sa kanya ka dumikit, pero palihim lang nang sa gayun ay malapit sa iyo ang ilan sa kanyang mga suwerte. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-12-18-20-33-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sumunod ka lang sa gustong mangyari ng sobrang makulit. Sa huli, ikaw ang makikinabang at hindi siya. Ito mensahe ng kapalaran mo ngayon at sa darating pang mga araw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-21-24-26-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka na parang wala kang problema at ang mga ito ay mahimalang maglalaho at tuluyan na ring mawawala. Ito ang gawin mo dahil ito ang payo ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-22-27-30-32-37.
CANCER (June 21-July 22) - Sundin mo ang iyong pandama dahil ito ang magtuturo sa iyo ng pinakamagandang gawin na magbubunga ng lalo pang ikagaganda ng buhay mo ngayon. Muli, sundin mo ang iyong pandama. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-19-21-25-28-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang kapalaran mo na kapag hindi ka gaanong kumilos, katamaran ang maghahari sa iyo. Kapag ganito ang nangyari, puwede kang magkasakit. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-25-27-31-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap kang maunawaan ngayon. Mas maganda na huwag mo nang habaan pa ang pagpapaliwanag at hayaan mo na lang nang hindi masayang ang iyong mga oras. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-26-28-30-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Igiit mo ang iyong gusto dahil sa huli, ikaw ang masusunod. Ang pangungulit, minsan ay nagbubunga ng magandang resulta. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-20-26-35-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi pa tapos ang masusuwerteng araw mo. Ang totoo pa nito, ngayon pa lang ang kalakasan ng kanyang pagdating. Ihanda mo ang iyong sarili upang hindi masayang ang magagandang kapalaran na parating. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-14-15-22-24-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ipagdamot ang kakayahan mo, lalo na ang mga susi mo sa tagumpay. Kapag marami kang natulungan, marami rin ang mga biyayang ibibigay sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-25-28-36-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpatalo sa pag-aalinlangan. Huwag ka ring magpapatangay sa mga taong mahina ang loob. Sundin mo ang payo dahil ito ang sikreto ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-16-21-29-30-31-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong balikan ang malulungkot na pangyayari sa buhay mo. Hindi ka isinilang upang mabuhay sa kalungkutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-22-24-28-35-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang malito. Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang gawin mo. Ang gusto ng iba ay huwag mong pakinggan. Ikaw ang may hawak ng kaligayahan mo at hindi sila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-17-24-25-36-41.




Comments