Horoscope | Oktubre 10, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 10, 2022
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 10, 2022 (Lunes): Higit kang masuwerte kaysa sa iba. Ang totoo pa nito, puwedeng ipangalan sa iyo ang salitang “pinagpala” dahil kabilang ka sa mga pinagpala.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sasaya ka kahit bigyan ka ng kalungkutan ng ilang malalapit sa iyo. Ang nakakatuwang katotohanan ay kapag ang langit ang nagpapasaya sa tao, malaking saya talaga ang kahulugan nito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-20-21-26-29.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling nagbalik ang simpleng pampasuwerte mo sa buhay at ito ay nagsasabing ayusin at linisin mo ang iyong bahay o tirahan. Gawin mo at makikita mong mabilis na dadapo sa iyo ang mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-27-28-30-31-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na dapat kang lumayo. Sa paglayo, mas lalawak ang iyong pagkatao at kamulatan, na siyang sasagap ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-24-28-34-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang araw na sobrang malakas ang iyong likas na gayuma. Sa biglang tingin, ito ay maganda, pero pinag-iingat ka na maakit mo kahit ang mga wala nang karapatan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-25-37-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makipagsapalaran ka at mananalo ka. Lakasan mo ang iyong loob dahil ang panalo ay mapasasaiyo kung lalakas ang loob mo na makipagsapalaran sa mga bagay kahit hindi mo pa alam ang magiging resulta. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-15-16-23-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag binalikan mo ang mga hamon ng kapalaran na iyong napagtagumpayan, makakaasa ka na ang malaking hamon na iyong kinakaharap ay iyo ring malalagpasan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-14-15- 22-24.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ingatan mo ang bagong relasyon mo dahil sa bagong pakikipagrelasyon, bukod sa magbabago ang kapalaran mo ay tiyak na magkakaroon ka pa ng mga suwerteng hindi mo inaasahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-20-21-25-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tutukan mo ang iyong pinagkakakitaan ngayon nang hindi makalagpas sa iyo ang dagdag na suwerte na kalakip ng magandang takbo ng negosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-26-34-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na may surpresa sa iyo ang langit. Kapag sinabing surpresa, bukod sa ito ay masaya at ikaw ay sobrang sasaya, ito ay may kaakibat ding dagdag na biyaya at sarap na may kaugnayan sa salapi at relasyon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-15-26-28-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumayo ka sa mga iyakin at paladaing. Kung maaalala mo, nang madikit ka sa ganitong klase ng tao, pumangit din ang buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-29-33-25-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magbigay ka at bibigyan ka, ito ang batas ng kapalaran sa mundo. Ngunit sa langit ay kakaiba, ‘pag nagbigay ka, ang ibibigay ng langit ay sobra pa sa pangangailangan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-18-27-28-31-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na nakabukas at nakatapat sa iyo ang tainga ng langit. Ngayon ka na humiling, huwag mong pakahabaan at lagyan ng dekorasyon ang hiling mo. Ang mga ito ay matutupad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-12-16-29-30-38.




Comments