Horoscope | Oktubre 1, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 1, 2022
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 1, 2022 (Sabado): Lubos na katuparan ng mga pangarap ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang. Malulubos ang iyong kaligayahan sa ganda ng iyong magiging buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang matutuksong baguhin ang iyong diskarte. Ang maririnig mong maganda sa iba ay hindi makakabuti sa iyo. Aabante ka at malayo ang iyong mararating dahil sa sarili mong paraan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-20-23-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sikat ng Haring Araw ang iyong kailangan ngayon. Bukod sa gagaling ang mga karamdaman mo, ang sikat ng araw ay magpapaganda rin sa takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-21-27-31-32-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon, puwede mo nang isabuhay ang mga natutunan mo mula sa mga hiningan mo ng opinyon. Makakaasa ka na mas uunlad ka at madarama mo ang ligaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-23-37-38-40-41.
CANCER (June 21-July 22) - Bigyan mo ng saya ang iyong sarili. Ito ang sikreto ng kapalaran mo ngayon. Hindi mo namamalayan na iba ang iyong pinasasaya at matagal na ang iyong pagsasakripisyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-28-31-32-36-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyong-iyo ang araw na ito. Kung gusto mong ibahagi sa iba ang masayang araw mo ngayon, puwede mo itong gawin. Lalo kang sasaya kapag ginagawa mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-25-29-30-31-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magtatangkang sumingit ang mga negatibong pananaw sa isip mo, pero tatalunin ito ng mga positibong mangyayari sa buhay mo ngayon at sa darating pang mga araw. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-28-33-37-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hanapin mo ang buhay na kaunti lang ang mga problema. Hindi ka puwedeng magtagal sa buhay mo na mabibigat at hindi natatapos ang iyong mga alalahanin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-23-33-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muli, sumunod ka sa agos ng iyong kapalaran. Makikita mo na ang mga gusto mong mangyari ay matutupad. Ang pagsalungat ay nagbababala ng masaklap na kabiguan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-22-26-31-35-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumukupas ang mga kulay at nalalanta ang mga bulaklak. Kumukupas at manghihina ang iyong mga karibal. Samantalahin mo, bilisan mo pa at doblehin ang iyong pagkilos nang maiwan mo sila nang milya-milya. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-6-18-21-29-31-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung magsasalita ka, huwag mo nang habaan. Mas maiintindihan ka kapag maiksi at direkta ang sasabihin mo. Ito ang sikreto kung paano makukuha ang gusto mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-24-25-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mong lumapit sa iyo ang mga gustong dumikit sa buhay mo. Makakaasa ka na may makukuha kang pakinabang sa kanila, kung saan ikaw ay kanilang pasasayahin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-16-22-26-30-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mula sa malayo, magdaratingan ang mga regalo mo. Mula sa langit ang kakaibang regalo na mapasasaiyo at ito ang pinakamalaking kahilingan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-9-11-14-23-40.




Comments