Horoscope | October 29, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 29, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 29, 2023 (Linggo): Huwag kang tumigil na magpakita nang kabutihan sa mga tao. Ito ang dahilan kung bakit dumadagsa sa buhay mo ang mga biyaya mula sa langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumayo ka sa mga taong malulungkot, dahil lungkot ang nagiging sanhi kung bakit nawawalan ng gana ang tao na magsumikap sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-12-18-27-33-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tatalunin ka ng awa, kailangan mong maunawaan na ang awa at pag-ibig ay hindi magkatulad. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-25-30-33-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Maaantala ang pagdedesisyon mo sa mahahalagang proyekto, malilito at magugulo ka dahil sa iyong damdamin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-19-28-33-35-44.
CANCER (June 21-July 22) - Masuwerte ka ngayon. Ibahagi mo rin sa mga taong nangangailangan ang mga biyayang ibinibigay sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-16-19-25-34-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Matibay ang iyong paninindigan, kaya humahanga sa iyo ang langit. Ituloy mo lang ‘yan, dahil ang mga taong paiba-iba ng plano sa buhay ay malabong magtagumpay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-6-17-25-28-37-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumikilos ang mga bituin sa langit para mapasakamay mo ang iyong mga kagustuhan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-19-23-26-31-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka ayon sa mga gusto mong mangyari. Huwag kang mag-alinlangan. Sapagkat, ang pag-aalinlangan ay nagiging sanhi ng mga kabiguan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-18-21-27-33-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makibahagi ka sa mga gawaing makakatulong sa mga taong nangangailangan. Sa ganitong paraan, mas kikilos ang langit. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-3-12-15-20-23-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka madadalian, du’n ka! Ito ang susi upang makatikim ka ng saya. Ang pagpapahirap sa sarili ay susi naman sa pagkakaroon ng mga karamdaman. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-11-18-20-28-39-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo dapat sundin ang bulong ng iyong damdamin. Bago ka kumilos pag-aralan mo muna itong mabuti. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-19-25-27-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga taong puro kalungkutan ang kinukuwento, dahil kapag naawa ka sa kanila, maaaring ‘di ka lumigaya. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-4-13-18-20-27-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Hindi man kalakihan ang iyong mga suwerte, sapat na ito upang masabi mong hindi ka nakakalimutan ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-10-17-26-29-37-41.




Comments