top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | October 27, 2023 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 27, 2023



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 27, 2023 (Biyernes): Huwag kang matakot sa mga hamon ng iyong kapalaran, dahil ginagarantiyahan ang araw na ito na ang panalo ay palaging mapapasaiyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lakas ng loob at mabilis na pagkilos ang iyong kailangan upang magsidapo sa iyo ang magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-20-25-35-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang mga kahilingan mo. Kaya ano pang hinihintay mo? Humiling ka na, dahil hindi makakatanggi sa iyo ang langit ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-17-20-23-39-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit mabagal ang iyong kilos. Mananatili pa ring maganda ang mga pangyayari sa iyo, kaya hindi mo kailangan magmadali. Mas magandang maging kalmado kaysa agresibo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-19-24-28-35-41.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi mawawala ang iyong mga suwerte. Sa katunayan, naghihintay lang ito na makitang buo ang iyong loob upang mabilis na magsidapo sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-26-30-35-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Manghiram ka ng susi ng tagumpay. Ibig sabihin, tularan mo ang mga taong nagtagumpay na sa buhay. Hindi masamang manggaya, lalo na kapag ang pag-uusapan ay pagpapaunlad ng buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-08-11-16-18-26-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sisigla ka ngayon. Gamitin mo ang siglang mayroon ka para gumanda ang iyong buhay. Huwag mo itong sayangin at hayaang mapunta sa bagay na walang kakuwenta-kuwenta. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-05-14-20-23-34-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makikita mo ngayon ang iyong mga kahinaan. Isang magandang pagkakataon ito para maisaayos mo ang mga bagay na dapat mong ayusin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-28-30-37-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Susuwertehin ka sa mga araw na ito. Hindi man gaanong kalakihan at karamihan, sapat na ito para masabi mo sa sarili mo na ikaw ay mahal ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-27-31-38-43.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magsasawang tumulong sa mga taong nangangailangan, dahil isa ito sa katungkulang iniatang sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-18-21-28-34-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon mo simulan ang pagpapaganda ng iyong buhay dahil ang mga bituin ay handa kang bantayan hanggang sa tuluyan ka nang yumaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-15-18-21-23-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahina ka ngayon. Ingatan mong ‘wag matangay ng mga taong makukulit at mapagpilit. Ito ang babala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-17-22-31-35-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lalakas ang loob mo kapag dumikit ka sa mga taong malalakas ang loob. Susuwertehin ka kapag tinularan mo ang kanilang mga pananaw sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-23-28-39-45.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page