Horoscope | October 20, 2023 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 20, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 20, 2023 (Biyernes); May mga
pagkakataon talaga na nagsasara ang pintuan ng grasya. Pero, ang pintuan ng grasya ay laging nakabukas para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lalambot ang iyong puso, pero magkukunwari kang matigas at
mahirap kausap. Sa huli, wala kang magagawa kundi ipadama ang iyong kabutihan sa
mga nangangailangan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-6-9-18-24-27.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Madarama mo ngayon ang itinatagong damdamin sa iyo ng
tao. Pero kahit na mabisto mo siya, patuloy niya pa ring ililihim ang laman ng kanyang
puso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-17-19-23-29-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang iyong kilos pero madali mong mauunawaan ang
mga taong nagsasabing kapag ang damdamin ay nanghihimasok, ang mga pagkilos sa
buhay ay humihinto. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-16-22-35-40.
CANCER (June 21-July 22) - Muli, ibinalik ng langit ang mga araw para sa iyo. Ibinalik
din niya ang mga araw ng kabiguan sa mga naghahangad na ikaw ay masaktan.
Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-7-11-16-25-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon mo ipadama sa mga taong umaalalay sa iyo ang taos-puso mong pasasalamat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-10-19-28-37-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Uunahin mo ang dikta ng iyong damdamin. Huwag kang
mabahala dahil pansamantalang pagkaantala lang ito ng iyong mga plano na
magpapaunlad sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-23-28-32-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sa biglang tingin, kaya mong umasenso. Dahil taglay mo ang
kakayahan na magpasya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-15-29-34-40-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano lang ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Hindi
makakabuti sa iyo na tumulad sa mga taong kahit hindi na kaya ay ayaw pa ring huminto. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-16-20-25-34-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong hayaang mamatay ang ningas ng iyong
pag-asa, dahil ito ang magsisilbing ilaw para maabot mo ang iyong ambisyon sa buhay.
Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-16-24-27-33-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sa hanay ng mga panalo ka mapapabilang. Ito ang ilagay
mo sa iyong ulo at gawing kuwintas ng buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-11-17-22-31-30.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Saya ang panghatak mo sa mga suwerte, kaya kahit may
dahilan para malungkot ka, magsaya ka pa rin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-8-17-26-35-44
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pahalagahan mo ang mga taong tapat sa iyo, at ang mga taonghindi tapat sa iyo ay kailangan mo nang burahin sa iyong buhay. Ito ang sikreto para hindi mo maranasan ang kabiguan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-7-11-19-20-25.




Comments