top of page

Horoscope | October 2, 2024 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 2, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 2, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 2, 2024 (Miyerkules): Kapag mapagbigay ka, mas papalarin ka. Dahil langit mismo ang magbibigay ng biyaya para sa iyo. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Marami kang suwerteng makukuha ngayon, lalo na kapag hindi mo inatrasan ang mga hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-20-27-28-31-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lalakas ang loob mo dahil sa mga tagumpay na iyong nakamit. Magkagayunman, kailangan mo ring maunawaan na ang lakas ng loob kung minsan ay sanhi rin ng kabiguan.  Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-15-25-34-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka. Pigilan mo muna ang iyong sarili sa mga bagong pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-12-27-33-35-38.

 

CANCER (June 21-July 22) - Iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang iyong kahilingan. Kahit may pagkaimposible o mahirap na mangyari, ikaw pa rin ang pagbibigyan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-08-18-20-23-35.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Aakalain ng mga taong tamad na sila ang lalapitan ng suwerte, at dito sila nagkakamali dahil ang suwerte ay nilalapitan at hindi hinihintay. Huwag kang tumulad sa kanila, kaya ngayon pa lang, kumilos ka na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-16-22-31-37-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pangit na kaganapan ang mangyayari sa iyo ngayon. ‘Yung mga bagay na matagal mo nang hinihiling ay biglang ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-14-18-22-26-39.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipanatag mo ang iyong sarili, dahil mismong langit ang kikilos para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-13-21-28-32-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mawawala ang tamis ng iyong tagumpay, lalo na kapag hindi ka nakipagsapalaran. Piliin mo ang hamon ng kapalaran upang mailabas mo rin ang iyong galing at husay. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-18-20-24-33-38-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tanggapin mo ang alok sa iyo ng langit para mabilis mong mapasakamay ang iyong pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-16-24-37-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bigyan mo nang oras ang mahal mo sa buhay. Huwag mo siyang pagdamutan, nang sa gayun ay mas lalo pang tumatag at tumibay ang relasyon n’yo. Masuwerteng kulay-green.  Tips sa lotto-3-12-18-22-24-36.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - May darating pang mga bagong proyekto sa iyo. Kahit hindi ka pa tapos sa iba, tanggapin mo ang alok nila sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-20-25-29-34-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong hanapin sa iba ang ugali mo. Pakinggan mo ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-17-21-26-37-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page