top of page
Gary V. - IG.jpg

Horoscope | October 15, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 15, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 15, 2023


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 15, 2023 (Linggo); Lahat ng magaganda ay para sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang. Kaya matitikman mo ngayon ang mga naggagandahang kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat magpatalo sa lungkot at galit na iyong nararamdaman, dahil ibibigay na ng langit ang sunud-sunod mong tagumpay, at nakatakda nang mapasaiyo ang huling halakhak. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-17-21-32-38-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na inuutusan ka ng langit na magsuot ng magandang damit upang ang mga suwerte at magagandang kapalaran ay tuluy-tuloy na mapasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-27-33-40-42.

GEMINI (May 21-June 20) – Walang magyayari kung patuloy kang magrereklamo. Tanggapin mo lang ang kapalaran na binibigay sa iyo ng langit. Kapag ganyan ang iyong ginawa, sunud-sunod na suwerte ang darating sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-19-22-37-40-44.

CANCER (June 21-July 22) - Kahit anong itawag sa bulaklak na rosas, rosas pa rin ito. Tanggapin mo ang katotohanang ayaw na sa iyo ng isang taong matagal mo nang gusto. Palayain mo na ang iyong sarili, nang sa gayun lumigaya at umunlad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-7-19-22-32-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Gamitin mo ang lakas ng iyong loob. Anumang planuhin at balakin mo, hindi ka dapat magdalawang-isip sumugal, dahil tiyak na ilalagay ng langit sa kamay mo ang malaking tagumpay na ngayon mo lang mararanasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-19-25-32-37-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Ang dami mo ngayong plano. Dapat isa lang, dahil mahina ang kalaban. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-23-28-38-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dadalawin ka ng ilang suwerte. Ang pagkainis mo ay mapapalitan ng galak. Huwag ka na magtanong kung bakit, dahil ‘yan talaga ang nakatakda sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-21-27-33-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ikaw ang taga-ayos ng gulo at gusot. Huwag kang matakot na pumagitna, dahil ito ang papel mo rito sa mundo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-17-22-26-35-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong hayaan masira ang diskarte mo nang dahil sa negatibong opinyon ng mga taong nasa paligid mo. Ituloy mo lang ang iyong mga binabalak. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-18-27-33-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tahimik kang umangal sa hindi pantay na pagtrato sa mamamayan. Patuloy mong ipagtanggol ang mga mahihirap at inaapi. Habang ginagawa mo ‘yan, patuloy kang pagpapalain ng langit. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-8-16-22-31-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gawin mong abala ang iyong katawan. Ito ang solusyon upang ‘di mo masyadong makita ang mga pagkakamali sa iyong paligid. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-28-32-40-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Habang nasa bahay ka, gamitin mo ang iyong kakayahan sa pagtutuos. Kapag natuos mo na ang anumang proyekto. Ilunsad mo agad ito upang ang suwerte at tagumpay ay mapasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-22-25-35-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page