top of page

Horoscope | October 10, 2024 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 10, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 10, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 10, 2024 (Huwebes):  Higit kang mapalad kesa sa ibang nilalang. Ngayong taong ito, mamumunga ang iyong mga pagsisikap.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dadalawin ka ng masasayang pangyayari, na kung sasakyan, yayakapin at pahahalagahan mo, ito ay mananatili sa mahabang panahon. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-24-29-34-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawak mo ngayon ang mundo, at may kakayahan kang pagalawin at pakilusin ang mga tao sa iyong paligid. Ang paalala ay nagsasabing panatilihin mo ang iyong malinis na pagkatao. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-16-21-27-37-41.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Binabalaan ka na puwede kang masilaw sa makislap mong buhay. Ibig sabihin, hindi mo makikita ang reyalidad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-14-28-33-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Ihanda mo ang iyong sarili sa mga paparating na suwerte. Huwag kang tutulad sa marami na ang mga suwerte nila ay ibinigay pa sa iba. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-15-23-34-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hinay-hinay lang, masyado nang malakas ang dating mo sa isang taong labis mong pinahahalagahan. Limitahan mo lang ang mga pagkilos mo dahil hindi na natutuwa ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-18-21-27-37-43.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag mas madalas ka sa labas ng bahay, muling babalik ang mga suwerte mo. Pero kapag nasa bahay ka lang, hihina ang katawan mo. Ito ang paalala ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-12-16-25-32-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maraming nasayang na pagkakataon sa buhay mo dahil sa pag-ibig. Ang payo para sa iyo ay nagsasabing, tutukan mo ang paghahanda sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-23-28-31-38.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbabago ang lahat sa mundo at ang pangako sa pag-ibig ay nawawala rin kapag may nagawang malaking pagkamali ang isang panig. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-20-27-35-37.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Papalakas ang dating ng iyong mga suwerte. Mas lalo kang kaiinggitan ng mga ayaw magsikap at walang pangarap. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-24-26-28-30-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ipadarama muli ng langit ang kanyang pagmamahal sa iyo, kaya muli kang tatanggap ng regalo at biyaya na labis mong ikakatuwa. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-25-29-31-36-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mananariwa ang kapalaran mo kung magagawa mong huwag munang maglakwatsa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-20-22-32-39-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Harapin mo ang mga hamon ng iyong kapalaran. Palalakasin ka ng mga ito at gagawin kang matibay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-7-14-17-27-41.


תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page