top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Horoscope | October 1, 2024 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 1, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct.1, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 1, 2024 (Martes): Kabilang ka sa mga taong mapapalad. Ibig sabihin, kahit hindi ka gaanong magpursigi, may darating pa rin na suwerte sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mo maiiwasang magsaya kahit pa sumagi sa isip mo ang mahal mo sa buhay na yumao na. Isang palatandaan ito na nasasagap mo na ang paparating na mga suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-20-30-35-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magiging abala ka ngayon sa mga kaibigan mo. Magtatampo sa iyo ang mahal mo sa buhay. Pero ‘wag kang mag-alala dahil mauunawaan ka rin naman nila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-17-23-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Kung gusto mong malaki at marami ang mapasaiyo, buksan mo ang iyong puso sa pagpapatawad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-10-25-29-33-44.

 

CANCER (June 21-July 22) - Mas piliin mong umunawa kesa magalit. Mahirap man, pero sikapin mo pa rin ang mahanap ng mga dahilan kung bakit siya ganu’n. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-15-20-28-34-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na inilaan sa iyo. Gawin mo anumang maibigan mo, dahil tiyak na mananaig ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-26-30-37-44. 


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung nasaan ang saya, ru’n ka pumunta. Hindi ka puwedeng talunin ng lungkot ngayon, dahil kapag malungkot ka, tiyak na maaantala ang mga magagandang kapalaran na darating sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-23-29-34-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hinahabol ka ng isang munting suwerte. Kapag pinalaki at pinarami mo ito, tiyak na lalago ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-18-25-37-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Umatras ka kapag hindi mo na kaya. Sa pag-atras mo, lalakas ka at muli mong magagawa ang mga bagay na akala mo’y mahirap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-22-26-38-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maging mapagbigay ka. Kapag ganito ang ginawa mo, magkakaroon ng sigla ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-5-16-28-30-33-43.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aayon sa plano mo ang langit. Pero, iwasan mong maging negatibo tulad ng nakasanayan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-10-18-28-38-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maraming suwerte ang mapapasaiyo ngayon. Kaya naman asahan mo ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-20-24-26-37.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Takasan mo ang kalungkutan. Ngayon ang tamang panahon upang mamasyal ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-29-35-40-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page