top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | October 09, 2023 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 9, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 09, 2023


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 9, 2023 (Lunes); Harapin mo ang mga hamon ng iyong kapalaran, at ambisyunin mong yumaman, dahil nakakasigurado akong yayaman ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ikaw ang magpapatunay na ang mga taong malalakas ang loob ay nagtatagumpay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-20-26-37-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang tamang panahon para tutukan mo ang iyong negosyo. Malayo pa ang iyong mararating. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-18-20-24-38-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Mas lalago ang iyong kabuhayan at mas mapapabilis ang iyong pag-unlad kung hindi ka malilibang sa ibang aktibidad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-23-32-36-41.


CANCER (June 21-July 22) - Harapin mo ang mga taong lantarang naiinggit sa iyo. Ipakita mo sa kanila ang iyong kabaitan at pagpapakumbaba. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-21-27-33-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Suriin mo ang iyong sarili, kung may pagkukulang ka ba sa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-13-20-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka na muling mabibigo, kapag nagawa mo ang mga bagay na hindi mo pa nauumpisahan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-12-15-29-31-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lahat ng tao ay marunong umunawa kaya alisin mo ang iyong pag-aalala na baka hindi ka nila maintindihan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-22-28-30-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ang araw na ito ay para sa iyo. Walang magagawa ang mga lihim mong kaaway para sirain ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-17-20-28-36-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahalagahan mo ngayon ang pag-iipon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-15-19-25-36-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tularan mo ang mga nagtagumpay na upang mapabilang ka sa kanila. Samantala, huwag mong tularan ang mga taong bigo sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-13-23-38-40-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag ka masyadong seryoso sa buhay. Ito ang lihim ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-26-33-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bilangin mo ang mga biyayang napapasaiyo. Bilangin mo rin ang iyong mga kabiguan. Magpasalamat ka sa nasa itaas upang lalo ka pang pagpalain. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-11-18-25-34-44.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page