Horoscope | November 3, 2023 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 3, 2023
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 3, 2023 (Biyernes): Papataas nang papataas ang kalagayan mo sa buhay. Huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa langit. Ito ang obligasyon na kailangan mong sundin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bumaba ka. Ibig sabihin, pahalagahan mo ang mga kapus-palad na hindi sumusuko sa pagsisikap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-9-18-28-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Palakasin mo ang loob ng mga mahal mo sa buhay na tila ba nawawalan na ng pag-asa. Hindi nila dapat makita na nag-aalala ka sa mga nangyayari. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-29-34-40-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Kumuha ka ng tapang sa mga pagsubok na iyong nalagpasan. Kumuha ka rin ng tapang mula sa mga mahal mo sa buhay na hindi umaatras sa hamon ng kapalaran. Masuweteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-18-24-30-32.
CANCER (June 21-July 22) - Pahalagahan mo ang kalinisan dahil maraming puwedeng makuhang sakit ang tao kung ang kanilang kapaligiran ay madumi. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-16-25-28-39-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sa araw na ito, lumabas ka ng lipunan. Sa labas ng lipunan, maraming suwerte at magagandang kapalaran kang matatanggap. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-13-22-31-39-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - May mga biglaang pangyayari na hindi mo aakalain ngunit may malaking tagumpay at suwerte namang nakaabang para sa iyo. Kaya anuman ang ginagawa mo ngayon, ipagpatuloy mo lang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-23-33-40-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli, iwasan mong magalit dahil ang galit ay nagpapahina ng depensang natural ng isang tao. Samantala, ang kalmadong buhay ay nagbibigay ng lakas at talino. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-27-29-33-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nawawala ang mga bituin sa langit. May pagkakataon lang na sila ay natatakpan ng mga ulap. Huwag mong isipin ang mga ‘di magagandang nagaganap sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-19-24-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ipahiram mo ang iyong tapang sa mga taong naduduwag o pinaghihinaan ng loob. Magiging huwaran ka sa hinaharap, at tiyak na makakatanggap ka ng magandang kapalaran sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-6-15-27-33-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi dapat malaman ng mga mahal mo sa buhay na ikaw ay pinanghihinaan ng loob. Mas magandang ilihim mo lang ang iyong matinding pag-aalala at pangamba. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-4-15-24-33-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ipanatag mo ang iyong kalooban dahil kapag nagkaroon ka ng peace of mind, ang suwerte ay kusang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-28-39-41-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ikaw na mismo ang mag-utos sa sarili mo na gawin at ikilos ang isang bagay na noon mo pa gustong maabot. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-25-34-38-42.




Comments