top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | November 29, 2023 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 29, 2023


Sa may kaaarawan ngayong Nobyembre 29, 2023 (Miyerkules): Maawain ka at minsan sobra ka kung maawa. Mag-ingat ka dahil marami ang mananamantala sa

pagiging maawain mo. Ito ang mensahe para sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ilapit mo ang iyong sarili sa mga mababang tao dahil ito ang susi upang ika’y magtagumpay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-20-33-35-46.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga taong kumokontra sa iyo. Mag-aaksaya ka lang ng panahon kung papatulan mo ang mga ito. Sa halip, paglaan mo ng oras ang pagsisikap upang ika’y umasenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-14-21-29-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Ginagamit ng malakas ang mahina. Malakas ka kaya huwag kang magpapagamit. Mas maganda kung ikaw ang gagamit sa mga taong magtatangkang makinabang sa iyo. Ito ang mensahe para saiyo. Masuwerteng kulay yellow. Tips sa lotto-5-18-22-37-38-42.


CANCER (June 21-July 22) - Kumuha ka ng ideya sa makakakuwentuhan mong nagyayabang na marami siyang napagtagumpayan. Isabuhay mo ang mga naririnig mong magaganda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-16-35-46-49.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kakaibang saya ang madarama mo sa pagtulong. Isang senyales ito na ang langit mismo ang magbibigay sa iyo ng gantimpala. Masuwerteng

kulay-pink. Tips sa lotto-4-22-26-38-34-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kunin mo lang ang kailangan mo. Kapag nagawa mo ito, matutuwa ang langit at magugulat kadahil pagkakalooban ka ng mga biyaya ng hindi mo sukat akalaing para pala sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-15-19-29-32.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit madaya ka, hindi sasama ang loob mo dahil ang mandadaya sa iyo ay malapit sa puso mo. Wala ka ring karapatan na magalit dahil siya rin ay minsang naisahan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-25-34-38-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagliliwanag na ang maulap na kapalaran mo. Samantalahin mo ito at gawin mo na ang mga bagay na hindi mo pa nauumpisahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-12-26-29-33-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pakikisama ang tema ng araw na ito. Makisama ka at pakisamahan mo ang mga matagal mo nang hindi nakakasama. Ito ang mensahe

para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-17-21-26-38-47.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bukas ang damdamin mo sa mga mabababa. Bukas din ang paladmo sa mga nakakaawa. Sa ganitong paraan, humahanga sa iyo ang langit, kaya ikaw ay padadalhan ng mga biyaya. Masuwerteng

kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-25-39-40-43.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malilito ka dahil ang dapat na isa, sa iyo ay dalawa. Ibig sabihin, sa puso mo ay may higit sa isang nakaukit. Huwag kang mabahala dahil isa

lang din naman ang magtatagal. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-25-27-39-49.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagdaratingan na ang mga suwerte na gusto mong mapasaiyo. Gayunman, una-unahan lang dahil kung magkakasabaysabay

ang mga ito, makikitang mas marami ang iyong ipamimigay. Masuwerteng

kulay-lilac. Tips sa sa lotto-7-15-26-30-36-43.


0 comments

תגובות

לא היה ניתן לטעון את התגובות
נראה שהייתה בעיה טכנית. כדאי לנסות להתחבר מחדש או לרענן את הדף.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page