Horoscope | November 26, 2023 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 26, 2023
Sa may kaarawan ngayong araw ng Nobyembre 26, 2023 (Linggo): Unahin mo ang iyong sarili bago mo payamanin ang iba. Likas kang masuwerte, kaya tiyak na marami ang gagamit sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatakutin ka ng sarili mo, pero bakit ka naman matatakot? Makikitang maduduwag ka dahil minsan mas mahirap kalaban ang sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-16-28-33-40-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pinatatag pa ng langit ang iyong personalidad at ito ang dahilan kung bakit nakakaranas ka ng ilang hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-15-24-27-33-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mag-alala kung nagagawa mo nang mabilis ang iyong mga gusto. Mag-alala ka sa ginawa mo kung saan nag-aalinlangan ka dahil ang pag-aalinlangan ay kalaban ng tao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-17-19-23-28-37.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang pumayag na maging hadlang sa iyo ang mga kontrabida. Huwag mo silang pansinin na para bang hindi mo sila nakikita. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-16-22-29-31-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Marami ang iiwas sa iyo dahil maiilang sila sa mataas mong pagkatao. Pero higit na marami ang didikit sa iyo dahil madarama nila ang wagas na pagmamahal mo sa kapwa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-4-19-28-33-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lagyan mo ng saya ang buhay mo. Paano? Isama mo sa iyong mga gawain ang mga taong masayahin, habang ang mga palaangal at paladaing ay layuan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-13-17-22-34-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwasan mong magsuot ng mga luma at sirang damit. Mas maganda na ang mga gagamitin mo ay bago at may kislap nang sa gayun, magkislapan din ang mga bagong kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-19-21-28-30.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Dagdagan mo ang iyong ipon. Ngayon ang panahon ng pag-iipon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-14-21-25-33-49.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Limitahan mo lang ang paggasta. Huwag kang gumasta nang gumasta. Kung ano ang mahalaga, ‘yun lang ang bilhin mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-19-23-34-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawak mo ang gulong ng iyong kapalaran. Kung paiikutin mo ito, maraming suwerte ang dadapo sa iyo. Kung hindi mo naman ito pagagalawin, walang magbabago sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-13-22-28-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maging positibo ka upang gumanda ang iyong buhay. Magagawa mo ito kapag ang iyong ulo at isipan ay nakatingin sa hinaharap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-23-29-34-38-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Manghiram ka at palitan mo agad, manghiram ka muli at isauli mo rin agad. Sa ganitong paraan, ang tiwala ay makukuha mo sa taong hinihiraman mo. Huwag mo silang abusuhin upang ‘di mawala ang kanilang tiwala sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-29-32-40-44.




Comments