Horoscope | November 16, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 16, 2021
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 16, 2021 (Martes): Gamitin mo ang iyong imahinasyon sa pagpapayaman. Iwasan mong magamit ito sa walang kuwentang mga bagay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabilis kang aasenso sa paraang hindi ka gaanong mahihirapan kapag tinularan mo ang mga umasenso na gumamit ng ibang tao na mas magaling kaysa kanila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-20-24-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong itabi ang lahat ng hawak mo. Ang iba ay paramihin mo at makakaasa ka na darami ito nang higit sa inaakala mong ibubunga ng mga ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-18-21-28-30-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mo nang gawing bahagi ng iyong proyekto ang nagdadalawang-isip na sumama sa iyo. Makakagulo lang ang mga taong walang katiyakan ang takbo ng isapan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-10-14-21-25-39.
CANCER (June 21-July 22) - Kakayanin ng iba ang hindi mo kaya. May pag-asa ka pa na makuha ang gusto mo sa tulong ng mga taong alam at nauunawaan ang iyong kahinaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-13-15-28-31-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Namamahinga ang lahat ng may buhay sa mundo. Kaya hindi masama kung mamahinga muna sa sobrang pag-iisip at pagpaplano sa kung ano ang susunod mong dapat gawin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-22-26-34-39-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipakita mong desidido ka at ipakikita sa iyo kung paano humanga ang nasa itaas sa mga taong hindi basta-basta umaayaw. Muli, ipakita mo na ikaw ay talagang desidido. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-15-18-21-27.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tiyak na ang pipiliin mo ay ang daan ng buhay na hindi ka mahihirapan. Oo, sa una ay hindi ka nga mahihirapan, pero pagkatapos nito ay tuturuan ka ng mahahalagang aral sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-11-14-23-25-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pabalik-balik lang ang mga pangyayari sa mundo. Kapag matandain ka, hindi ka maaapektuhan sa pagbabalik ng mga araw na ang tao ay daraan sa hirap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-22-28-31-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ipamigay mo ang hindi mo na kailangan kahit puwede pa itong gamitin. Mas magandang mapasaya mo ang kapwa kaya dumadami lang ang luma mong kagamitan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-26-31-37-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tanggapin mo ang pagpapakumbaba ng nagkamali. Ikaw din naman ay nagkakamali at muli kang binibiyayaan ng langit. Mas maraming natatanggap na biyaya ang nagpapatawad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-17-23-28-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malayo ang isip sa ginagawa mo. Madalas, ito ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan n’yo ng iyong karelasyon dahil napagbibintangan ka na ibang tao ang iniisip mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-20-25-33-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipilit mo ang iyong gusto. Mahina naman ang mga kumokontra sa iyo. Wala silang lakas para hadlangan ang iyong gagawing pagpupumilit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-14-29-38-42.




Comments