top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | November 15, 2023 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nobyembre 15, 2023

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 15, 2023 (Miyerkules): Kusang gaganda ang kapalaran mo dahil simula ng ika’y isilang, ang magagandang bagay ay sa iyo na inilaan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Inspirasyon ang iyong kailangan. Bumibilis ang pag-unlad kapag mayroon tayo nito. Ang tao at bagay ay puwede mo rin maging inspirasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-15-21-27-33-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawak mo ngayon ang gulong ng iyong kapalaran. Kung paaandarin mo ito, tiyak na liligaya ka. Muli, hawak mo ang gulong ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-23-26-36-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Sundin mo ang iyong isip upang ‘di ka maligaw. Para magawa mo ito, huminto ka muna at mag-isip. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-15-25-32-35-37.

CANCER (June 21-July 22) – Babalik ang malakas mong karisma. Sa biglang tingin, ito ay magandang balita, pero kailangan mong mag-ingat dahil ang mga maling tao ay puwede ring maakit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-7-19-20-22-29.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag kupas na, palitan mo na. Mas magandang mabuhay sa mga bago tulad ng bagong gamit, prinsipyo, at bagong kaibigan na makakasama sa pagsisikap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-9-16-29-33-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bantayan mo ang kilos ng makakadaupang-palad mo. Sa mga kilos, makikita mo ang mga motibong lihim na ikinukubli. Sa katunayan, hindi napapalagay ang mga taong nagsisinungaling. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-23-27-31-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gawin mo ang gusto mo. Kahit may sumalungat sa iyo, gawin mo pa rin ang gusto mo. Ang araw na ito ay para sa iyo at hindi para sa mga kaaway at kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-21-24-39-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Daig ng maagap ang masipag, pero mas maganda kung masipag ka na, maagap ka pa. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng bukas na isipan habang ikaw ay nagsisikap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-8-18-27-35-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumapit ka sa mga dati mong pinaniniwalaan na naging dahilan ng pagganda ng iyong buhay. ‘Wag kang matutukso na palitan ang mga ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-9-15-21-33-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ipahiram mo ang lakas ng iyong loob sa mga kilala mong pinanghihinaan ng pag-asa. Sa totoo lang, mahina rin ang loob mo pero ‘pag ginusto mo, ikaw ang pinakamatapang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-7-11-20-29-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit ka malulungkot at mahihirapan? Nasa isip lang ang mga ito. Kapag kumilos ka nang masaya at hindi pinansin ang hirap, mabubuhay ka nang ligtas sa mga problema. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-22-29-34-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hanapin at alamin mo ang mga paraan ng kilala mong mabilis na umasenso dahil kaya mo ring mapaunlad ang iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-7-21-25-39-43.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page