top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Horoscope | Nobyembre 8, 2026 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 8
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 8, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 8, 2026 (Linggo): Magdaratingan na ang mga suwerte mo, at walang magagawa ang mga kontrabida sa buhay mo kundi ang mamangha at matulala.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na inuutusan ka ng langit na sumugod at lalo pang lakasan ang iyong loob. Sigurado na ang iyong tagumpay at panalo, basta sumugod ka lang. Masuwerteng kulay–purple. Tips sa lotto-7-10-17-22-25-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tumatahol ang aso kapag may banta sa kanyang amo. Makinig ka sa mga payo ng ilang malalapit sa buhay mo, dahil higit ka nilang kilala kaysa sa pagkakilala mo sa iyong sarili. Masuwerteng kulay–pink. Tips sa lotto-6-14-21-24-36-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang mga nagpapansin sa iyo upang maramdaman mo ang magagandang oportunidad. Masuwerteng kulay–beige. Tips sa lotto-2-9-12-26-30-32.


CANCER (June 21-July 22) - Makibahagi ka sa kasiyahan, dahil dito, kakaibang saya ang madarama mo. Masuwerteng kulay–blue. Tips sa lotto-5-11-16-27-33-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Masarap sa pakiramdam kapag maluwag ang suot na damit. Kaya huwag mo nang dagdagan pa ang iyong mga obligasyon upang makatikim ka ng kakaibang ginhawa. Masuwerteng kulay–black. Tips sa lotto-1-6-15-20-35-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang hihinto kahit sa unang tingin ay hindi gaanong umuusad ang buhay mo. Nakamasid ang langit at kumukuha lamang ng buwelo upang mapasaiyo ang malaking suwerte. Masuwerteng kulay–violet. Tips sa lotto-8-14-22-29-31-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ba minsan, sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakakagat mo rin ang iyong dila? Ito ang tinatawag na pantanggal ng pagkabagot, pagkatapos nito ay sisigla na ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay–peach. Tips sa lotto-4-13-18-24-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Inuutusan ka ng langit na bawasan ang labis na pagtitiwala sa sarili. Matuto kang maging mahinahon at magpakumbaba. Sa ganitong estilo, malaking halaga ng salapi ang maibubulsa mo. Masuwerteng kulay–red. Tips sa lotto-3-19-25-26-37-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka nang kumilos dahil sa pagkilos nabubuksan ang mga pintuan ng oportunidad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay–burgundy. Tips sa lotto-7-14-23-30-39-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inaalagaan ang mga bata, gayundin ang kabuhayang kasisimula pa lamang. Hindi dapat lumabis ang iyong kumpiyansa kahit maganda ang takbo ng negosyo. Masuwerteng kulay–white. Tips sa lotto-9-18-20-27-34-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka dapat masiraan ng loob dahil lamang sa minsang kabiguan. Sa halip, dapat kang maging matapang dahil ang mga kabiguan ay hamon sa iyong kakayahan. Masuwerteng kulay–green. Tips sa lotto-5-16-21-28-37-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Umiwas ka na lamang, at huwag mong harapin nang mukhaan ang taong umaaway sa iyo. Sa pamamagitan ng pag-iwas, madidiskaril ang kanilang mga plano. Sa huli, ikaw ang mananalo at magwawagi! Masuwerteng kulay–yellow. Tips sa lotto-6-15-22-23-38-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page