Horoscope | Nobyembre 7, 2026 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 7, 2026

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 7, 2026 (Sabado): Magdaratingan na ang mga suwerte mo. Kaya mas magandang isabuhay mo ang pagiging masinop at pagpapahalaga sa mga biyayang mapapasaiyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bago mo ituloy ang mga bagong plano mo, tiyakin mo munang hindi sumasalungat sa iyo ang mga kasama mo. Masuwerteng kulay–red. Tips sa lotto-9-18-26-30-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maglalabas-masok sa isipan mo ang magagandang ideya. Kung pipili ka ng isa, magsisimula na ang tuluy-tuloy na pag-asenso mo. Masuwerteng kulay–pink. Tips sa lotto-7-10-17-25-33-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit paisa-isa ang paghakbang mo, makakaasa ka na malayo ang mararating mo. Pero kung pagsasabay-sabayin mo ang mga gusto mong mangyari, wala kang mararating. Masuwerteng kulay–maroon. Tips sa lotto-8-19-20-32-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat matulad sa iba na nag-aakala na ang tibay ng loob ang daan sa pag-asenso. Masuwerteng kulay–green. Tips sa lotto-4-11-13-21-27-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sa mundong ito, hindi kailangan ang mahiyain at mahina ang loob, bagkus ang mas kailangan dito ay maangas at mautak. Masuwerteng kulay–golden yellow. Tips sa lotto-6-12-14-23-28-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi na mahalaga kung alam mo ang mangyayari, dahil ang importante ay magawa mo ang mga paunang hakbang tungo sa lubusang pag-unlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay–blue. Tips sa lotto-4-10-18-22-24-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit gaano kahigpit ang pagkakatali, posible pa rin itong makalaya. Simple lang naman ang kailangan mong gawin, at ito ay ang humakbang palayo. Masuwerteng kulay–lavender. Tips sa lotto-2-13-26-33-39-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang hihinto kahit nahihirapan ka. Ang paghihirap ay senyales ng malaking tagumpay at nag-uumapaw na kaligayahan. Masuwerteng kulay–burgundy. Tips sa lotto-1-15-20-25-34-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan may nakabukas na oportunidad para mas mapaunlad mo ang iyong buhay, roon ka lumagay. Masuwerteng kulay–purple. Tips sa lotto-9-10-16-22-30-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dapat alam mo na ang negosyo ay negosyo. Marami ang nalugi dahil ang kanilang pinagkakakitaan ay nahahaluan ng iba pang bagay na wala namang kinalaman sa negosyo. Masuwerteng kulay–ocher yellow. Tips sa lotto-6-11-14-26-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang nasa harap mo, iyon ang para sa iyo. Kung ano ang nasa malayo, huwag mo munang pangarapin. Nabibigo ang tao dahil sa maling prayoridad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay–lilac. Tips sa lotto-7-13-15-21-29-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Manalangin at kumilos ka. Ito ang araw na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang iyong mga dalangin. Ngayon pa lang, humiling ka na ng isang bagay na nais mong mangyari. Makikita mo, hindi matatapos ang buwan ng Nobyembre, matutupad at magkakatotoo na ang hiling mo. Masuwerteng kulay–violet. Tips sa lotto-3-12-23-31-40-45.


Comments