top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Horoscope | Nobyembre 6, 2026 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 6, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 6, 2026 (Biyernes): Kung ano ang maganda sa paningin mo, iyon ang piliin mo. Hindi para sa iyo ang payo na huwag piliin ang mga bagay na magaganda.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit wala kang gawin, ang kapalaran mo ay kikilos para gumanda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay–old rose. Tips sa lotto-9-11-16-20-23-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Para sa iyo ang araw na ito. Anuman ang iniisip mo, balewala lang dahil kusang kikilos ang mga pangyayari na sa huli ay magpapasabi sa iyo na sa iyo pala ang huling halakhak. Masuwerteng kulay–violet. Tips sa lotto-3-18-21-24-30-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Pasasayahin ka ng mga malalapit sa iyo. At kapag sumaya ka, magdaratingan sa buhay mo ang magagandang oportunidad. Masuwerteng kulay–peach. Tips sa lotto-6-10-19-22-33-43.


CANCER (June 21-July 22) - Nasa todong lakas ang suwerte mo. Makipagsapalaran ka upang hindi ka mabigo. Harapin mo ang mga pagsubok sa buhay mo at makakaasa ka na ang panalo ay para sa iyo. Masuwerteng kulay–red. Tips sa lotto-7-13-25-34-37-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka nang may tiwala sa sarili. Huwag mong kakaligtaan na nabibigo at napapahamak lamang ang taong walang tiwala sa kanyang sarili. Masuwerteng kulay–tangerine. Tips sa lotto-2-17-26-31-35-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap kalimutan ang pagkakamali ng kapwa. Gayunman, kailangan mo pa rin itong kalimutan dahil ang kondisyon para dumapo ang malaking suwerte ay dapat maluwag ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay–white. Tips sa lotto-4-11-15-33-37-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka makakatulog at hindi ka mapapalagay, hindi dahil sa mga suliranin kundi dahil sa magagandang bagay na mararanasan mo ngayon at sa mga darating pang araw. Masuwerteng kulay–green. Tips sa lotto-1-12-16-31-38-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sumusuko ang langit sa taong mapagpilit. Kaya patuloy mong igiit ang iyong mga kagustuhan kahit mahirapan ka. Masuwerteng kulay–yellow. Tips sa lotto-8-10-18-20-24-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumayo ka sa tukso dahil ito ang makakasira sa buhay mo. Gayunman, hindi kabilang sa mga tukso ang inspirasyong hatid sa iyo ng isang tao sa buhay mo. Masuwerteng kulay–purple. Tips sa lotto-9-13-19-21-27-32.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang sumuko! Ang mga taong ayaw lumaban ay mabibilang sa mga talunan, habang ang mga lumalaban ay patuloy na makakaani ng magandang buhay. Masuwerteng kulay–pink. Tips sa lotto-17-20-21-29-30-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page