Horoscope | Nobyembre 6, 2020 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 6, 2020
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 6, 2020 (Biyernes): Unahin mong pagandahin ang iyong kabuhayan bago mo pagandahin ang iba pang aspeto ng iyong buhay. Ito ang tunay na susi para sa iyong kaligayahan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka mabibigo kapag nagkaroon ka ng inspirasyon sa buhay. Kaya magpasalamat ka kung mayroon ka na at kung wala pa, maghanap ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-13-29-30-35-55.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagmasdan mo ang lahat ng bagay nang may positibo kang pananaw. Ito ang sikreto mo nang magsilayas sa iyong buhay ang hindi magagandang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-18-25-39-40-48.
GEMINI (May 21-June 20) - Samantalahin mo ang araw na ito kung kailan may kakaibang saya kang madarama. Kapag sa pagpapayaman mo ito itinutok, ang pagyaman mo ay magiging mabilis. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-22-29-31-32-35-38.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo dapat pagsabayin ang buhay negosyante at ang buhay na ikaw ay maawain. Mas magandang ang iprayoridad mo sa araw na ito ang pagpapalago ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-30-33-38-45-55.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka dapat magpabihag sa mga nagkakagusto sa iyo dahil ang isa sa kanila ay hindi magiging maganda ang epekto sa buhay mo. Panatilihin mo ang pagtutok sa iyong ambisyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-25-29-37-43-52.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan makiling ang iyong isipan, ‘yun na ang bagong mundo mo. Ito ay pansamatala lang dahil sa huli, ang pahahalagahan mo ay ang pagpapaganda ng kinabukasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-33-38-40-49-56.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling nagbalik ang iyong masusuwerteng araw at ito ay magsisimula ngayon. Huwag mong kalimutan na pahalagahan at ingatan ang mga biyaya na napasasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-25-39-42-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ang kailangan mo dahil kahit ang Haring Araw ay namamahinga rin sa Kanluran. Sa pamamahinga, mananariwa ang iyong lakas at isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-26-34-47-51.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gumaganda ang takbo ng iyong kabuhayan kahit sa biglang tingin ay nahihirapan ka. Manatili ka lang sa iyong mga plano. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-15-26-34-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tatag ng kalooban ang kailangan mo ngayon. Ito ay nagsasabing walang dapat magbago sa iyong mga prayoridad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-18-27-28-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka tatanggihan ng iyong lalapitan. Pero sa totoo lang, hindi mo kailangan ang kahit na sino para sumulong ang buhay mo at ang isa pang totoo, sila ang may kailangan sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-26-29-35-37-48-50.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malaking bagay ang magagawa sa iyo ng mga mahal mo sa buhay para magpatuloy ang iyong pag-asenso. Sila at ikaw ay sapat na para makamit mo ang iyong malalaking ambisyon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-12-26-36-43.




Comments