top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Horoscope | Nobyembre 5, 2026 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 5, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 5, 2026 (Huwebes): Huwag kang mag-alinlangan ngayon. Gawin mo agad ang gusto mong gawin, dahil tinitiyak ng iyong kapalaran na makakamit mo na anumang pinapangarap mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang kaya mong kunin, sunggaban mo agad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-12-19-37-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kalaban mo ngayon ang sarili mo. Gayunman, malalaking suwerte pa rin naman ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-20-28-35-44.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag ka nang mamili, bagkus hayaan mo ang kapalaran mong magpasya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-14-18-23-30-45.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mo nang habulin ang mga sanhi ng iyong kalungkutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-18-21-25-33-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pagkatapos suriin lahat ng datos sa kapalaran mo, ikaw ay makikitang sobrang saya. At ito ay magsisimula na ngayon. Kaya huwag kang mabibigla sa pagdapo ng malalaking suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-19-22-26-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Papaganda nang papaganda ang takbo ng iyong kapalaran. Ngayon mo isabuhay ang pag-iipon dahil tiyak na marami kang maiipon ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-10-13-24-39-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makipag-ugnayan at makipagsapalaran ka sa mga taong nasa malayo upang tiyak na manalo ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-11-18-35-40-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sa oras na nagtipid ka, hihina ang iyong kalusugan at kapag nangyari iyon, mas malaking problema ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-9-21-28-30-39-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpahinga ka muna sa nakakapagod na pagsusumikap. Maglibang ka at ang piliin mong paglilibang ay ang makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-15-17-23-38-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mo nang patulan ang mga taong gumagawa sa iyo ng hindi maganda. Sa halip, lihim kang matuwa, dahil langit na mismo ang magbibigay sa iyo ng malalaki at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-18-20-25-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sinusukat ka ng langit ngayon at ikaw ay natagpuang kayang tumanggap ng malaking buwenas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-19-21-27-39-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang makipagsapalaran sa malapit. Mas maganda kung pupunta ka sa malayo at doon mo itataya ang kapalaran mo. Hindi mo man gaanong maunawaan ito, gawin mo pa rin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-14-24-26-33-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page