top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Nobyembre 5, 2020 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 5, 2020



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 5, 2020 (Huwebes): Hindi ka magtatagal sa pamamasukan dahil ikaw ay magiging mahusay na negosyante. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Uutusan ka ng sarili mo na kumilos nang kumilos kung saan ang mga kilos mo ay nakatutok sa pagpaparami ng kinikita. Dapat ay ganito ka palagi nang sa gayun ay yumaman ka nang todo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-29-39-40-42-47.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bumili ka at sa ganitong paraan, uunlad ang iyong buhay. Marami na ang gumagawa ng ganito, pero kapag ikaw mismo ang gumawa, tinitiyak ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-21-25-28-30-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Dumating na ang mga araw na kung gugustuhin mong magpalit ng hanapbuhay ay puwedeng-puwede. Magpasya ka dahil hawak-hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-16-20-23-31-32.

CANCER (June 21-July 22) - Biglaan ang pagpapalit mo ng isip. Kahit ikaw mismo sa sarili mo ay magtataka, pero ang masayang balita ay sa bagong pili mo, matatagpuan mo ang iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-9-18-22-26-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bawal sa iyo ang magalit dahil kapag tinalo ka ng galit, ang mga hindi puwedeng sabihin ay iyong babanggitin. Kaya kapag nahalata mong magagalit ka na, lumayo ka na lang muna. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-15-21-25-28-31.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Suwerte ka ngayon. Susuwertehin din ang mga tapat sa iyo pero sa kanila na nagkukunwari at sa mga taong ang kilos ay pakitang-tao, mahirap paniwalaan, pero sila ay aani ng kamalasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-27-34-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hahakot ka ngayon ng magagandang kapalaran, pero ito ay magaganap lang kapag kumilos ka na parang ibon na malayang lumilipad. Ibig sabihin, kailangan mong magsaya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-14-28-33-41-49.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gumaganda ang iyong hinaharap dahil ang bagong kapalaran para sa iyo ay inihahanda na ng langit. Mas maganda na ihanda mo rin ang iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-8-28-29-30-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong hayaan na may makialam sa mga plano mo. Ikaw lang ang may karapatan at walang dapat manghimasok sa mga gusto mong matupad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-19-20-28-30-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bago ka kumilos, pag-isipan mong mabuti kung ang mga ikikilos mo ay magreresulta sa iyo ng maganda. Sa araw na ito, hindi ka dapat magkamali. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-16-28-30-33-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mag-ingat ka. Makikitang sobra ang bilis mo ngayon. Mas maganda na magawa mo ang mabilis na pag-iisip habang mabilis ka ring kumikilos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-15-18-28-30-48.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makipagsapalaran ka. Ang buhay sa mundo ay pakikipagsapalaran, kaya ang hindi makikipagsapalaran ay agad na mapabibilang sa mga talunan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-19-23-27-36-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page