top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Nobyembre 4, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Nov 4, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 4, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 4, 2022 (Biyernes): Unahin mong payamanin ang iyong sarili bago mo payamanin ang iba. Taglay mo ang kakayahang mapayaman nang husto ang sarili mo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga nakikialam sa buhay mo. Wala silang karapatan at sa totoo lang, wala silang maitutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-18-20-23-28.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makikilala mo ngayon ang tunay na nagmamalasakit at nagmamahal sa iyo. Siya ang nakakaunawa sa kakulangan at kahinaan mo. Simpatya at pagmamahal ang magmumula sa kanya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-16-25-27-30-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Umiwas ka sa anumang pagkikipagtalo. Sayang lang ang oras mo sa pakikipagpalitan ng argumento na mauuwi lang naman sa walang katapusang pagtatatanong at pagsasagutan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-28-31-32-37.

CANCER (June 21-July 22) - Dadalawin ka ng alaala ng lumipas na kung pahahalagahan mo ay maaapektuhan ang iyong kasalukuyan na nagsasabing, mababawasan ang saya at ligaya mo sa pagkikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-22-33-39-40-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ikagugulat mo ang kakaibang pangyayari ngayon. Biglang gaganda ang pakikiharap sa iyo ng isang tao na palaging hindi mo makasundo at nakakontra sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-26-27-35-36-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magiging mapanghusga ka ngayon. Sarilihin mo lang ang iyong opinyon. Hindi makakabuti para sa iyo kung malalaman ng iba ang hindi magandang husga mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-18-20-21-26-32.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit ano ang gawin mo, hindi ka pa rin mauunawaan ng ayaw umunawa sa iyo. Mas maganda na huwag mo siyang pansinin at ituloy mo ang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-25-29-30-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo obligasyon na ipaliwanag ang mga kilos mo. Ang totoo, mas maganda na hayaan mong sila ang maghanap ng katwiran para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-26-27-35-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tutukan mo ang iyong ginagawa ngayon nang makuha mo ang pinakamagandang resulta. Hindi masasayang ang ipinuhunan mong pagod at pagsisikap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-9-14-15-26-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo ang gusto mong gawin kahit ang buong mundo ay nakakontra sa iyo. Sa huli, sa maniwala ka o hindi, ang langit at lupa ay malakas na papalakpak sa tagumpay mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-16-20-22-23-39-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyung-iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang ay pakikinggan ka ng langit. Huwag mo nang habaan ang iyong mga sasabihin, ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-23-25-38-39-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pakinggan mo ang palaging nakasalungat sa pananaw mo dahil ngayon ay siya mismo ang magsisilbi mong pampasuwerte. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-20-21-24-25.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page