Horoscope | Nobyembre 4, 2020 (Miyerkules)
- BULGAR

- Nov 4, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 4, 2020
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 4, 2020 (Miyerkules): Kahit marami ang sumasalungat sa iyong kagustuhan, ipagpatuloy mo ito. Kahit nakagugulat ang iyong ambisyon, tinitiyak ng iyong kapalaran na makakamit mo ito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tahimik mong isagawa ang plano mo. Sa ganitong paraan, mabilis mo itong magagawa, pero kapag mayroon kang pinagsabihan o may nakaalam, marami ang hahadlang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-19-20-34-38-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sundin mo ang payo ng malalapit mong kaibigan. Sa kasalukuyan, ang sarili mong opinyon ay magdadala sa iyo sa kabiguan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-28-32-35-41-55.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang mga nagpapapansin. Ang pansinin mo ay ang mga ikikilos mo, tingnan mo kung maganda o makabubuti ito sa mga gusto mong mangyari sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-15-28-35-49-52.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi sa araw na ito dapat pairalin ang iyong pagiging emosyunal. Mas magandang isip ang magpasya para sa iyo at ito ang sundin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-16-26-31-39-47.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kalaban mo ang iyong sarili. Mananalo ka kaya? Oo, kapag ang ginawa mong gabay sa buhay ang mga gintong aral na namana mo sa iyong magulang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-28-30-39-45-51.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pabayaan ang iyong sarili nang dahil lang sa pagtulong mo sa ibang tao. Mas maganda na malakas at malusog ka nang sa gayun ay mas marami kang mabigyan ng tulong. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-20-34-41-44-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kunin mo kung ano ang maganda sa makakakuwentuhan mo. Ito ay para makinabang ka naman sa napakahabang oras na pakikipagtsikahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-16-23-25-32-51.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon ang panahon ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung anu-ano pa ang mga dapat mong isabuhay para ikaw ay magtagumpay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-19-22-28-35-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Babanggain ka ng taong akala ay tatalunin ka. Malalaman niyang marami pa sa siyang dapat talunin. Gayundin, malalaman niyang mas mabuti kang maging kaibigan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-24-29-39-49.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Anuman ang mga kaganapan, tanggapin mo ito nang maluwag sa kalooban. Kailangang mangyari ang lahat nang mabigyang-daan ang paparating mong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-8-21-27-31-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka ayon sa plano mo. Huwag mo itong babaguhin dahil may naisip kang akala mo ay maganda. Muli, kumilos ka ayon sa plano mo dahil ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-20-29-37-40-48-49.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Babagal ang ikot ng gulong ng iyong kapalaran kapag ang inuna mo ay ibang tao. Pagandahin mo muna ang iyong buhay at saka mo pagandahin ang buhay ng malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-22-25-39-40-46-53.




Comments