top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Nobyembre 30, 2022 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 30, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 30, 2022 (Miyerkules): Ilalagay ka ng iyong kapalaran sa mas matataas na posisyon. Mahalin at igalang mo ang mga nasa ibaba dahil sila ang tuntungan ng iyong mga paa.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong magyabang kahit sa totoo lang ay angat na angat ka kaysa sa iyong mga karibal. Ang pananatiling mapagpakumbaba ang tunay na susi mo para sa mas magandang buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-24-39-40-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa mga may sinasabi at asensado na. May matututunan ka mula sa kanila na magdadala sa iyo sa kalagayang kapantay mo sila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-27-28-30-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Masayang galaw ng katawan ang isa sa sikreto ng iyong magandang kapalaran. Sanayin mo ang iyong sarili na gumalaw nang masaya upang dumapo sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-18-20-24-27-39-40.


CANCER (June 21-July 22) - Ngayon ang tamang panahon para makipag-ayos sa mga taong nakasamaan mo ng loob. Hindi naman mahalaga kung payag sila, ang importante ay matutuwa sa iyo ang langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-15-27-28-33-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magplano ka na tugma lang sa kakayahan mo. Sa ganitong paraan, hindi ka mahihirapan na makapagsimulang umasenso. Ang tunay na sikreto ng pagpapayaman ay dahan-dahan lang. Masuwerteng kulay- green. Tips sa lotto-13-22-25-31-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi puwedeng sabay-sabay na gagawin ang lahat ng iyong nasa isip. Ang sabayang pagkilos ay sanhi ng kawalan ng konsentrasyon sa mas mahalagang gawain. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-12-23-39-40-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mag-isip ka ng pagkakakitaan na hindi ka mahihirapan. Dahil sa totoo lang, hindi ka isinilang para maghirap tulad ng marami na sobrang pinagpapawisan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-25-26-30-32-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumikilos ang mga bituin sa langit para sabay-sabay na mahulog sa iyo ang mga suwerte. Wala kang gagawin kundi ang masayang maghintay at magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-21-27-28-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbalik ang mga suwerteng araw mo. Ibahagi mo sa kapwa ang mga biyayang mula sa langit. Sa ganitong paraan, paulit-ulit kang dadalawin ng maliliit at malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-22-25-27-35-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sabay-sabay ang magagandang oportunidad na lalagay sa iyong harapan. Kahit alin sa mapili mo ay puwedeng magpayaman sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-20-21-26-29-30.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakuha na ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo. Huwag mong sayangin ang magagandang biyaya na mapasasaiyo. Sinupin, ingatan at pahalagahan mo ang mga suwerteng ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-7-11-16-27-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsisilapit sa iyo ang mga suwerte na magbubunga ng mas malalaki pang suwerte. Mahalin mo ang mga kapos-palad, ito ang obligasyon mo upang magpatuloy pa ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-22-24-33-35-40.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page