Horoscope | Nobyembre 3, 2020 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 3, 2020
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 3, 2020 (Martes): Pataas nang pataas ang ranggo mo sa iyong pinapasukan. Gayunman, sa huli ay magiging matagumpay kang negosyante.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tama na kahit may limitasyon ka dahil sa sitwasyon ng bansa, malayo pa rin ang iyong mararating at susulong pa rin ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-32-37-40-55.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumalma ka lang. Hindi ka dapat mahawa sa mga nerbiyoso at nerbiyosa na walang nakikita kundi ang mga negatibong bagay. Sa pagiging kalmante, gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-37-40-46-52.
GEMINI (May 21-June 20) - Magiging instrumento ka para umangat ang buhay ng isang malapit sa puso mo. Tataas din ang ranggo mo, pero mauuna siya sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-24-30-47-48.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magmadali. Ang tunay na tagumpay ay nakukuha sa pagtitiyaga at pagsisikap. Sa pagmamadali, posibleng madapa at kung minsan ay hindi na nakakabangon pa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-28-30-33-35-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka nang tahimik dahil mas maganda na ikaw lang mag-isa ang nakaaalam ng layunin mo. Bumabagal ang buhay kapag maraming nakikialam. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-22-37-50-51.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mabilis magtiwala sa nagpapakita ng maganda dahil ang mga mandaraya ay nagbabait-baitan muna sa umpisa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-26-36-40-44-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gumaganda ang takbo ng iyong kapalaran. Ang hindi kagandahan ay mas dumami ang naiinggit sa iyo. Pero wala kang dapat ipag-alala dahil hanggang inggit lang silang lahat. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-17-28-31-32-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pipilitin ka sa hindi mo gusto pero sa huli, matutuwa ka dahil ang hindi mo ginusto ang magiging susi ng iyong pag-asenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-20-28-30-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lihim kang tumulong. Mas maganda ang palihim na pagtulong dahil sa lantad na pagtulong, umaani ka ng napakaraming batikos. Ito mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-22-25-39-40-48-56.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahina ang mga kalaban mo ngayon pero umaasta lang sila na malakas. Ikaw ang malakas, kaya lang, ayaw mo itong gamitin para mas gumanda pa ang buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-22-26-35-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang papayag na may makialam sa diskarte mo. Nasa tamang landas ka ng buhay na iyong tinatahak kung saan ang mga pakialamero ay gustong magkamali at mapahiya ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-13-16-27-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadalawin ka ng suwerte. Aktuwal ka nitong dadalawin dahil ang taong papasyal sa iyo, siya na mismo ang suwerte. Gandahan mo ang pakikiharap sa kanya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-25-33-38-46.




Comments