top of page
WINNER - SEN. ROBIN, NAKIPAGKAMAY NA KAY SEN. KIKO_FB Circulated.jpeg

Horoscope | Nobyembre 26, 2026 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
34 minutes ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 26, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 26, 2026 (Huwebes): Ito ang araw na inilaan ng langit para sa iyo. Kaya anumang hilingin mo, tiyak na magkakatotoo. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lakas ng loob ang susi mo upang malampasan anumang hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-11-13-22-38-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit salungat ang sinasabi nila, makiayon ka pa rin. Hindi ngayon ang panahon upang labagin ang kanilang kagustuhan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-10-16-29-34-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Kumalma ka lang sa harap ng mga taong hindi mo gusto. Panatilihin mong kontrolado ang iyong damdamin dahil ang pagpatol sa mga taong mahina ang ulo ay nagdadala ng kamalasan. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-4-12-24-31-35-40.


CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na bukas ang bintana ng langit. Kaya humiling ka na ng kahit ano upang mapakinggan ka. Ang mahalaga ay maniwala at magtiwala ka sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-6-15-26-30-37-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong balewalain ang payo ng mga matatalinong tao. Kadalasan, ang kanilang payo ang pinakatama. Sundin mo ito upang tuluy-tuloy kang umunlad. Masuwerteng kulay-mint green. Tips sa lotto-9-17-23-27-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang gusto ng mga tao, iyon ang gawin mong negosyo. Hindi ka uunlad kung ang pagtutuunan mo ng pansin ay ang sarili mong kagustuhan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-18-21-29-38-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tapos na ang paghihirap ng iyong damdamin. Alam na ng langit ang iyong mga hinaing. Kaya magtiwala ka lang. Makikita mo, sa mga susunod na araw, magiging maunlad at muli ka na ring liligaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-24-29-32-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mangako kapag masaya ka para wala kang masaktan. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-3-18-20-28-36-30.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mamili kung sino ang tutulungan mo dahil taglay mo ngayon ang kakayahang magturo sa mga taong wala pang alam. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-23-25-34-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pahalagahan mo ang katahimikan kaysa sa kaguluhan. Ang hindi nakikisangkot sa mga hindi pagkakaunawaan ay namumuhay nang payapa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-22-27-38-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makakaya mong basahin ang isip ng taong makakaharap mo. Kahit hindi siya magsalita, malalaman mo na agad ang kanyang motibo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-6-10-15-23-32-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mo ba napapansing tila nababalewala ang iyong pagsusumikap nitong mga nagdaang araw? Hindi kasi ganu’n ang nakatakda para sa iyo. Sa halip na magpakapagod, manalangin at magnilay ka. Mas maraming suwerte ang darating sa gitna ng katahimikan ng iyong puso at kalooban. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-26-31-38-40.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page