Horoscope | Nobyembre 25, 2020 (Miyerkules)
- BULGAR

- Nov 25, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 25, 2020
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 25, 2020 (Miyerkules): Ikaw ang pampalakas ng loob ng iyong kapwa dahil sa totoo lang, mas malakas ka kaysa sa mga pangkaraniwan. Ito rin ang banal na misyon mo sa lupa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong talikuran ang mga hindi mo magawa ngayon. Magpalakas ka at magagawa mo na ang mga ito. Paghandaan mo at hindi ka mabibigo.
Masuwerteng kulay-magenta. Tips sa lotto-9-11-15-18-24-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magparaya ka. Hahangaan ka ng langit at sa huli, iaangat ka nang higit sa iyong pinagbigyan. Sa pagpaparaya, kinokontrol mo ang iyong sarili dahil bibigyang-daan ang kababaang-looban. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-6-17-20-21-24-27.
GEMINI (May 21-June 20) - Makakasagupa ka ng mabigat na hadlang sa gusto mong gawin. Pero kusa rin itong maglalaho kapag nagpakita ka ng tibay at tatag ng puso. Masuwerteng kulay- brown. Tips sa lotto-8-10-15-16-29-31.
CANCER (June 21-July 22) - Mataas ang lebel ng iyong pagkatao ngayon dahil kaya mong patawarin ang taong hindi humihingi ng patawad. Sa mahihina, kailangan pa nila ang paghingi ng tawad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-19-20-22-26-28.
LEO (July 23-Aug. 22) - Isang pagkakataon ang lalagay sa iyong harapan kung saan mapupunta ka sa ibaba, pero marami kang matututunan na mag-aangat sa iyo sa mas matayog na kalagayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-13-15-24-26.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi namamatay ang pag-ibig. Pansamantalang hindi nararamdaman, pero may pagkakataong muling magbabalik. Ganito ang iyong mararanasan ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-18-21-28-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nadadapa ang tao, pero siya ay may tuhod kaya muli siyang bumabangon. Masasaktan ka, pero muli kang tatayo para harapin ang mga bagong pangako ng kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-17-21-22-25-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Walang makakapasok kapag nakasara ang pinto. Muli kang ngumiti dahil ito ang susi para mabuksan ang nakasara mong puso. Ngingiti rin sa iyo ang kaligayahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-24-26-37-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sanay kang mag-isa dahil malakas at matatag ka. Pero ang mas maganda pa rin ay ang ikonsidera mo ang paghahanap ng panghabambuhay na makakasama. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-10-18-24-30-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran dahil kahit wala kang gawing anuman at kahit makagawa ka ng pagkakamali, ang mga suwerte ay magsisidapo pa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-14-25-39-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bagong gamit, bagong kapalaran. Ibig sabihin, bago ang iyong kailangan kaya ‘wag mong ipilit na manatili sa luma. Sa ganitong paraan, ang tunay na saya ay mapasasaiyo na. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-15-16-29-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag may sumalungat sa kagustuhan mo, lihim kang matuwa dahil ayon sa kapalaran mo, bago ka lapitan ng malaking suwerte ay kailangang may hadlang sa daraanan mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-17-20-21-27-30-42.




Comments