top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Horoscope | Nobyembre 24, 2020 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 24, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 24, 2020



Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 24, 2020 (Martes): Iba’t iba ang papel na ginagampanan ng bawat tao sa mundo. Kumbaga, may kani-kanyang espesyalidad ang bawat tao at ang sa iyo, ikaw ay bagay na bagay sa negosyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pagpaparami! Ito ang tawag sa araw na ito para sa iyo. Paramihin mo ang nasa iyo na at tiyak na ito ay lalago. Huwag mo nang pagkaabalahan pa ang ibang bagay na nasa isip mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-11-10-23-29-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Itutulak ka ng sarili mo na pumasok sa negosyo. Yayaman ka kapag hindi mo kinalimutan ang pagiging masinop at pagpapahalaga sa kinikita. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-12-25-27-30-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang gusto mo, gawin mo. Magtiwala ka sa sarili mo dahil kahit noon pa man, kapag ginusto mo ay nakukuha mo. Huwag ka nang magdalawang-isip pa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-29-30-36-41.


CANCER (June 21-July 22) - Kakaibang sigla ang iyong madarama. Huwag mong ipagpalagay na ito ay may kaugnayan sa buhay pag-ibig. Ito ay para sa pagdaragdag ng laman ng bulsa. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-19-20-21-25-32.


LEO (July 23-Aug. 22) - Muli kang inuutusan ng iyong kapalaran na magbawas ng mga kaibigan dahil hanggang ngayon, nasa iyo pa rin ang ilang nilalang na pabigat lang sa buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-9-16-18-28-30.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang, kikilos agad ang langit at ikaw ay pagbibigyan. Huwag mo nang lagyan ng mga kung anu-anong dekorasyon ang iyong sasabihin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-23-35-40-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kikislap na naman ang iyong kapalaran, pero ikaw pa rin ay binabalaan dahil nang minsang kumislap ang iyong buhay, nagkamali ka sa larangan ng pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-16-17-24-36.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo pakikinggan ngayon ang sinasabi ng iyong isipan. Hindi naman mahalaga sa iyo kung tama ang ikikilos mo dahil mas pahahalagahan mo ang iyong nararamdaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-18-23-27-34.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gumaganda ang takbo ng kabuhayan mo. Hindi ka puwedeng magkamali, kaya ituloy mo lang ang iyong ginagawa. Huwag na huwag mong babaguhin ang iyong prayoridad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-20-22-28-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabibilis ang kaganapan sa iyong harapan kung saan parang hindi mo kontrolado pero sa huli, ikaw ay matatagpuang yakap-yakap ang katuparan ng iyong pangarap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-21-23-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na hindi ka puwedeng itali o ikulong ninuman. Mabibigo at mapapahiya sa kanyang sarili ang sinumang mag-aakala na ikaw ay kanyang bihag. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-18-28-32-35-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang hinihingi sa iyo, ibigay mo nang taos-puso at bukal sa kalooban. Ito mismo ang magiging simula ng pagdagsa ng magagandang kapalaran sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-13-29-30-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page