Horoscope | Nobyembre 22, 2020 (Linggo)
- BULGAR

- Nov 22, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 22, 2020
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 22, 2020 (Linggo): Tumulong sa kapwa ang papel mo sa mundo. ‘Wag kang mag-alala dahil ipagkakaloob sa iyo ng langit ang mga kakailanganin mo para magampanan mo ang banal na misyong ito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahina ngayon ang iyong damdamin. Umiwas ka sa mga mapanuksong kilos. Ang kahinaan ng damdamin ang kadalasang sanhi ng pagsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-7-10-26-32-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sundin mo lang ang bulong ng iyong puso. Wala kang dapat ipag-alala. Sa halip, dapat kang matuwa dahil mawawala ang takot mo kapag pinakinggan mo ang iyong puso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-28-29-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Nalulunod ang agad na lumalangoy sa ilog kung saan hindi niya alam kung mapanganib ba o hindi. Magbawas ka ng lakas ng loob dahil mas maganda pa rin ang nag-iingat. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-20-21-27-33.
CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Puwedeng ‘wag kang kumilos at puwede ring gawin mo ang anumang gusto mo. Ang payo ay ang huli nang mapakinabangan mo ang araw mong ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-19-20-24-30-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Umiwas ka sa kilala mong mahilig magkunwaring siya ay nakakaawa. Kung hindi mo magagawa, mabibiktima ka. Mahina ka ngayon kaya muli, umiwas ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-15-29-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw mismo magugulat sa sarili mo dahil bibigyan mo ng katwiran ang iyong mga kahinaan. Ang isip mo ay aayon sa mga kapritsuhan ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-19-20-24-29-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Biglaan ang magiging pagbabago ng isip mo. Mas uunahin mo ang personal na kaligayahan kaysa sa sayang nakukuha sa pakikipagkaibigan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-8-10-24-25-34-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Napakalakas ng kutob mo. Hindi ka puwedeng dayain at pagtaguan ng mga motibong pansarili lang ng mga taong didikit sa iyo ngayon na gusto ka lang maisahan. Masuwerteng kulay-magenta. Tips sa lotto-5-16-17-29-32-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hinahanap mo ba ang daan ng katwiran? Hindi mo ito makikita dahil ang sarili mo ay matatagpuan mong nakikinig sa mga sinasabi ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-29-31-37-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pagbigyan mo ang muling pakikipagbalikan. Hindi puwede na sayangin mo ang mga araw na ikaw ay nalilito kung saan hindi mo malaman kung ano talaga ang dapat mong gawin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-17-29-30-35-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pamamahinga ang magiging dahilan mo kaya bigla kang tinamad sa paglalakwatsa, pero ang totoo, may gumugulo sa puso mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-22-25-39-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang ididikta ng damdamin mo, ‘yun ang makabubuti sa iyo. Kung ano ang sasabihin ng isip mo, balewalain mo dahil hahadlangan nito ang iyong saya at ligaya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-20-23-39-41.




Comments