Horoscope | Nobyembre 21, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 21, 2022
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 21, 2022 (Lunes): Maaatang sa iyong mga balikat ang pamamahala at pamumuno. Ang totoo, ito mismo ang papel mo sa mundo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong kapanganakan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patatatagin ng langit ang iyong mataas na kalagayan. Mananatili ka sa itaas nang sa gayun ay malaman ng iyong mga kaaway na hindi ka basta-basta babagsak, anumang panggugulo ang gawin nila sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-20-25-36-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang kinakain, ‘yun mismo ang papasok sa katawan mo. Kung sino ang kadikit mo, siya ang magiging bahagi ng iyong pagkatao. Dumikit ka sa mga angat sa buhay upang umangat din ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-17-21-25-26-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagmamadaling dumapo sa iyo ang ilang suwerte na hindi mo pinansin sa nakaraan. Pero dahil ang mga ito ay talagang para sa iyo, muli silang nautusan ng langit na sumaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-20-24-28-30-42.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magkunwaring malakas. Kahit mahina ka, ang alalay ng langit ay palaging nakahanda para sa iyo. Hindi inaalalayan ng langit ang malalakas at ito ang katotohanan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-23-31-35-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagwawakas ang kailangang magwakas. Bakit ka malulungkot sa pagwawakas ng ilang kabanata ng iyong buhay? Ihanda mo ang iyong sarili sa mga bagong simula na magdadala sa iyo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-11-17-22-25-28-30.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magmadali ka. Hindi puwede ang nakasanayan mong matagal mag-isip bago kumilos. Ito ay para hindi ka maunahan ng mga karibal at kakumpitensya mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-15-22-24-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mga kaganapan sa iyong buhay. Sabihin mo sa iyong sarili na, “Ito ay lilipas din!” Kailangang mangyari ang mga ito nang mabigyang-daan ang mga bago at sariwa mong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-15-27-30-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Abala ka sa maraming bagay, kaya kukulangin ka sa konsentrasyon sa isang bagay na dapat mong tutukan. Mamahinga at mamasyal ka muna dahil sa ganitong paraan, malalaman mo ang dapat unahin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-20-29-31-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ikaw ay magiging sobrang mapalad ngayon. May iba pang angat, pero ikaw ay mas magiging masuwerte at angat kaysa sa kanila. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-23-25-26-37-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang payo ng kapalaran mo na nagsasabing, alisin mo na ang sapin sa iyong mga paa at lumakad ka. Kapag nagawa mo ito, ang malaking suwerte ay agad na dadapo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-24-27-39-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag naghabol ka, hindi mo makukuha, pero kapag hindi ka naghabol, ikaw ang hahabulin. Kaya ikaw ang magpapasya sa kung ano ang susunod na mangyayari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-22-25-27-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na sobrang papalarin ka, pero may kondisyon ang langit. Humanap ka ng isa sa pinakamahirap na malapit sa iyo at tulungan mo siya nang palihim. Dahil dito, mas malaking suwerte ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-21-24-28-33.




Comments